“Lillian ano ba ‘yang sinasabi mo? Let me finish first para maintindihan mo ako.” Kalmado pa rin niyang sabi na inilingan ‘ko lang.
“Pagod na ‘ko Ricci.” I replied, exhausted.
Tinalikuran ‘ko na siya pero bago pa man din ako makapaglakad ay hinigit niya na ang braso ‘ko at parang hinihigop non ang lahat ng lakas ‘ko dahil sa sobrang pangungulila ‘ko sa haplos niya. He will always have this effect on me that no one could ever give. “You will not go anywhere until we fix this.” Matigas niyang sambit nang ipaharap niya ako sa kanya, ibinaon ang kanyang titig sa akin at tila hinahaplos ng kanyang mga titig ang galit sa aking puso.
“Ricci, ayoko na makipag-usap!”
“What, you got to talk to me and tell me everything you want pero ako’y hindi pwede magsalita sa’yo? Ano, pag-aawayan na naman natin ‘to at aalis ka na naman? Tatalikuran mo na naman lahat ng mga nanakit sa’yo? Ikukulong mo na naman ang sarili mo sa sarili mong mundo na ikaw lang ang may alam?” mas humigpit ang kanyang hawak sa aking braso at ramdam ‘ko ang bigat ng kanyang pag hinga sa bawat salita niya.
“Lillian kung pagod ka ay pagod din ako! Pagod na ‘ko na itago sa’yo ang lahat para lang protektahan ka! Nakikita mo ‘to?” sigaw niya at ipinakita sa akin ang kanyang mga sugat sa braso na mukhang mga kalmot. “Sugat ‘yan sa pagwawala ni Kreezia dahil lang mas pinipili kitang kausapin sa tuwing tatawag ka! Sa tuwing tatakas ako at uuwi ay nakakahinga ako ng maluwag dahil alam ‘ko na andoon ka na nag-iintay sa akin sa kabilang linya. Sa bawat pagtawag ‘ko sa’yo ay nasasalba ako sa problema at sitwasyon na kinabibilangan ‘ko ngayon! You are my safe haven, my sanctuary; my everything!” binitiwan niya ang braso ‘ko at napahilamos sa mukha. “Tapos ito ka na naman at iiwan mo na naman ako? Lillian after all the sufferings and hardships I’ve been just to protect you the whole year para makatapos ka ay ito ang gagawin mo at hindi mo ako iintindihin? Anong ka-bullshitan ‘yan?”
“Ricci-“
“Stop butting in and let me finish!” Sigaw niya at napasabunot sa buhok. “Of all people, ikaw ang inaasahan ‘ko na makakaunawa sa akin at sa mga ginagawa ‘ko. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi naman siguro ganon kakitid ang utak mo para hindi mo maunawaan pero bakit ito ka na naman? Ano ba’ng mali sa ginawa ‘ko? Na pinrotektahan kita mula sa bestfriend mong baliw? Na mas inuna ‘ko siya asikasuhin noong dumating ka? Lillian gaanong katagal ka magmamatigas? Gaanong katagal ka magiging close minded sa opinion ‘ko?”
“Ricci hindi sa ganon-“
Umiling siya at agad akong pinutol. “I promised myself na hindi na ako ulit susuko sa’yo pero ito ka na naman at susukuan mo ako? Ganon ganon na lang? Hell I even broke myself to fix you!” ramdam na ramdam ‘ko sa bawat salitang binitiwan niya ang hinanakit na kinimkim niya sa akin. Mga salitang ayaw niyang malaman ‘ko dahil gusto niya akong protektahan. “Why do you have to be so unfair?” tanong niya at doon mas lalo akong nawasak dahil nakita ‘ko siyang lumuha sa harap ‘ko.
“I’m sorry…” I said in a soft tone as I come near him and gave him a hug.
“Masakit na babe e.” reklamo niya pero hindi ako niyakap pabalik. “Why do you always think that I’ll hurt you kahit na hindi naman? Why can’t you trust me?” kumalas siya sa pagkakayakap ‘ko at umiling sa akin. “Magkaiba ba talaga tayo ng pananaw sa buhay? Do I value you more than anything compare to how you value me over something?"
“Ricci no-"
“You’re right.” Tumango siya at lumayo sa akin. “We could use some space for now. Maybe you’ll understand what I did kung malayo ako ulit sa’yo. Maybe this way maiintindihan mo na hindi kita niloloko sa isang buong taon na wala ka.” Napangisi pa siya kahit na sobrang sakit na ng kanyang nararamdaman. “Sobra na ‘yung pagod ‘ko. Hindi kita susukuan pero magpapahinga muna ‘ko.”
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017