Brent’s POV
Sa mga nakalipas na taon na paglayo ni Lillian ay naging masaya naman kaming dalawa. Na-restore ‘yung friendship na nagpapangiti sa akin lagi sa tuwing matatapos ako sa training. Naging sobrang komportable ulit namin sa isa’t isa pero hindi tulad ng dati e hindi na in a romantic way.
We prefer to be friends and I want to stay it that way. I want us to stay friends because having a relationship with her would mean another heart break again. I wouldn’t let myself be in a wreck again dahil lang sa isang taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na kaya ko’ng ibigay.
Gusto ko’ng maibigay sa sarili ‘ko ang kasiyahan na deserve ‘ko. Sa mga nakalipas na taon ay napagtanto ‘ko na hindi ‘ko naman kailangan ng may magmamahal sa akin na iba. Kung mayroon man ay salamat pero kung wala ay salamat pa din.
Ikatlong taon na ngayon na wala si Lillian sa bansa at nasanay na din ang buong team na wala siya. Hindi nila alam na nagkaayos na kami at nakakausap ‘ko siya. I prefer to hide that part dahil alam ko’ng mahirap sa kanya ang mga nangyari. I would like to help her in this process of healing dahil ako mismo ay nahihirapan para sa kanya.
Sabado ng gabi ay gumayak ako para sa isang house party na gaganapin daw sa Makati sa bahay ng isang kalaro namin sa isang online game. Hindi naman ako makahindi dahil napakabait ng taong nag-imbita sa akin at kasama naman ang buong team kaya pumayag na din ako.
Naka receive ako ng isang message galing kay Lillian at sinabing tatawag daw siya sa akin mamaya. Siguro ay uuwi na lang ako ng maaga para makausap ‘ko siya. Ngumingiti na siya ngayon hindi tulad ng mga nakaraang taon na halos hindi ‘ko siya makilala dahil sa lungkot sa kanyang mga mata.
Agad ako’ng nagtipa ng sagot doon at agad ‘yong sinend.
“Bro we should go baka ma-traffic tayo.” Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Ricci at agad ko’ng itinago ang aking telepono dahil baka makita niya kung sino ang kausap ‘ko.
Nitong mga nakaraang taon ay walang ginawa si Ricci kundi abalahin ang kanyang sarili sa paglalaro ng basketball at kung minsan ay sa ibang mga makamundong bagay. Alam ko’ng masakit din para sa kanya at mas lalo siyang masasaktan kung malalaman niya na nagtangkang magpakamatay si Lillian dahil lang sa kanya at sa iba pang bagay.
“Oh… okay.” Kibit balikat ko’ng sagot at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto.
“Sino ba ‘yang ka text mo at itinago mo pa?” tanong niya sa akin at nang sulyapan ‘ko siya ay nakakunot na ang kanyang noo.
“Wala may mga tinatanong lang ‘yung block mate ‘ko.” I lied at nag aya na nga para umalis.
Sa pagdating namin sa house party ay agad na bumungad sa amin ang maingay na tugtog mula sa mga speakers na naka set up sa buong bahay. Sa isang private village ang bahay na ito at wala pang mga katabing bahay dahil bago pa lang kaya siguro nakakapag-party ng ganito.
“Paraiso! Rivero!” bati sa amin ng tropa naming si Caleb na kakalabas lang ng kanilang bahay para tignan siguro kung sino ang bagong dating.
“Happy birthday bro!” bati ni Ricci at nag fist bump pa saka ako na din ang bumati.
Naging maingay ang buong bahay at panay ang sayaw ng mga tao sa loob. May mga naglalaro din ng beer games at kung anu ano pa. Pinaupo kami ni Ricci kasama ang buong team sa isang mahabang couch at agad kaming pinainom.
Sobrang pagtawa ang ginawa at kwentuhan ang bumalot sa buong oras na pananatili ‘ko doon. May mga sinabi pa sila na possible hook-up nila para sa gabi na ‘yon. I would lie to myself if I would deny na hindi ‘ko pa nasusubukan ‘yon. It was really nice, I admit, pero hindi tulad ng may kasama na gagawin ‘yon na mahal mo.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017