Chapter 48: Ideal Man

9.9K 358 107
                                    

Ilang oras din kami sa bahay ni Kreezia bago kami nagpasyang umuwi na dahil magpapahinga na siya. Masaya ako na nagkaayos kami at nakatulong ako. There are still signs na nag uulit siya ng tanong dahil mentally unstable nga siya at kung minsan ay nagtatanong pa kung ano kami ngayon ni Ricci. Pinili naming wag muna sa kanya linawin lahat at sabihing magkaibigan na lang muna kami ngayon. Yes we denied it dahil gusto namin na maka-recover muna siya. Hindi pwedeng biglain ang lahat at mag expect kami na bukas o makalawa ay ayos na siya.

Hinawakan ni Ricci ang kamay ‘ko nang lumabas kami ng bahay nina Kreezia. Tinignan ‘ko siya at nakita ko’ng may ngiti siya sa kanyang mga labi habang naglalakad siya ng deretso. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ‘ko at nang makita siguro niya sa kanyang gilid ng mga mata na nakatingin ako ay lumingon na din siya.

“What is it babe?” he asked at tumigil sa paglalakad bago ako hinarap.

“Nothing. Parang ang saya saya mo lang ngayon.” Puna ‘ko na nagpangiti din sa kanya.

“Of course.” Sagot niya at dinala ang kamay ‘ko na hawak niya sa kanyang labi at hinalikan ito. “Paanong hindi ako matutuwa, e ang babaeng mahal ‘ko ay may ginintuang puso? Who would’ve thought that you’ll reconsider talking to Kreezia after what she did to you. It’s very unbelievable babe. Tao ka pa ba?”

Hinampas ‘ko siya na nagpahalakhak sa kanya. “Grabe ka! E alam mo naman na sobrang malapit kami noon at hindi ‘ko naman itinatanggi na nagalit din ako sa kanya. Pero kung sa accounting nga may reconciliation, bakit sa akin ay hindi?”

“Really Lillian, you’re talking about accounting kahit na mag med-proper ka na next week?” hindi makapaniwala niyang tanong at umakbay sa akin. “Iba talaga to’ng girlfriend ‘ko. All in one! Dinaig mo pa ang kape – Aray!”

“Gusto mo mag kulay kape ka? Makabola ‘to.” Singhal ‘ko sa kanya at yumapos na din sa kanyang baywang saka kami naglakad papunta sa kanyang sasakyan.

Sa pagpasok namin doon ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse niya at muli niyang hinawakan ang kamay ‘ko. ”Ricci mag drive ka nga muna. Napaka-clingy mo para kang pusa.”

“Well I like pussy-“

“Siraulo, ibang pusa ‘yang sinasabi mo!” singhal ‘ko na ikinatawa niya. Iba talaga pag isang Rivero ang minahal mo.

“E pareho naman silang soft so it’s okay.”

“Ewan ‘ko sa’yo! Wala ka’ng score sa next two months!”

“Huy naman walang ganyanan!” parang bata niyang sabi at lumingkis sa braso ‘ko. “Babe naman e, mami-miss ni junjun si beshie niya.”

“Ewan ‘ko sayo. Kapag ako ba nabuntis paninindigan mo? Aba kaka-graduate mo pa lang huy!”

“Oo naman ‘no! Kasama ka kaya sa mga pangarap ‘ko. Ako lang naman ang hindi kasama sa mga plano mo sa buhay e.” sambit niya na kunwaring nasaktan pa at hinarap ako na busangot ang mukha. “’Di ba hindi naman talaga ako kasama sa mga plano mo? Mag sports med ka tapos ayun na ‘yon. Natupad mo na… ako wala.”

“Sino may sabing wala?” nagtaas ako ng kilay na nagpabuhay sa kanyang lugmok na mukha na alam ‘ko namang inaartehan niya lang ako.

“Talaga babe? Sige ha sabi mo ‘yan! Basta gagawa tayo ng isang basketball team saka cheering squad! Ako yung coach tapos ikaw yung medic-“

“Ricci ano ba ‘yan!” singhal ‘ko nang putulin ‘ko siya. “Sobrang kababuyan ha! Mabaog ka dyan sa sobrang pagpapantasya mo!”

“Bakit naman ako mababaog? Kung si Dad nga naniwala sa kasabihang ‘humayo kayo at magpakarami’ dapat ako din – Aray! Babe kanina ka pa nangungurot!” reklamo niya na sinagot ‘ko.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon