Chapter 17: Broken, Hopeless Heart

13.5K 443 47
                                    

Abot abot ang tahip ng dibdib ko nang abutan ako sa hallway ni Kreezia at Brent. Niyakap ako ni Brent ng makitang namumugto ng maigi ang mga mata ko. Gusto ko’ng mainis kay Ricci pero ‘di ko magawa ng lubusan. May isang parte sa akin na nagsasabing mali pa din ang ginawa niya at may isang parte naman na sinasabing masaya ang ginawa ni Ricci’ng ‘yon.

“Are you okay? Bakit ka agad agad umalis?” tanong sa akin ni Brent at dama ‘ko doon ang pagsusumamo niya para sumagot ako. I know that taking a risk with Brent would be a big step for me pero mas maigi na din siguro ito. Kailangan ko panindigan ang naging desisyon ko bago ako umapak sa entablado na ‘yon. Kailangan ko panindigan ang mga desisyon at pinaniniwalaan ko at huwag hayaan mayanig ‘yon.

But hell, I even responded to his kiss!

Suminghap ako para alisin lahat ng nasa utak ko bago ako umiling kay Brent. “Nadala lang ako sa kanta at sobrang bigat kasi ng pakiradam ko ngayon.” I confessed na mas lalong nagpalamlam ng mga mata niya.

“May problema ka ba?” ikinulong niya ang pisngi ko sa kanyang mga palad at tinitigan ako.

Umiling ako.”Wala Brent. Sa pamilya lang kaya eto ‘di ko napigilan.” pagsisinungaling ko. Tumango siya at niyakap ang ulo ko, naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko bago niya ako hinila paalis doon.

“Galing.” bulong ni Kreezia na nasa gilid ko na siniko pa ako. “May mga dapat kang ikwento sa akin.” may banta niyang sabi bago siya nauna sa loob ulit ng event.

Nang iwanan ako kanina ni Ricci ay sa ibang daan siya nagtungo para ‘di siya makita ng mga kaibigan namin. Panunukso at pagkatuwa ang nakita ko sa kanyang mga mata at ‘yon ang ‘di ko maintindihan. Is he just after the chase kaya niya ito ginagawa? Kung ‘yon man ay wala na siguro ako’ng magagawa dahil kahit naman ata nagkaaminan kami ay ‘di pa din ako sigurado kung totoo ang mga sinabi niya. Pero gayonpaman ay alam ko’ng totoo ang mga sinabi ko at wala na akong pagsisisisihan.

Inakbayan ako ni Brent nang itulak niya ang pintuan ng event. Itinago niya ako sa kanyang mga bisig at mabilis siyang naglakad sa may gilid. “Fix your face bago tayo bumalik ng party. Magkalapit lang ng table ang Daddy mo at ang parents ko kaya ayos lang. Go.” sambit niya nang makalapit kami sa comfort room sa gilid at iginiya na ako sa loob.

Napangiti ako sa ginawa niya kaya naman pumasok na ako sa loob para ayusin ang sarili ko. Napagpasyahan ko na ayusin muna ang make up ko bago ang buhok ko na nagulo dahil sa sobrag pagkainis ko kanina Dala dala ni Kreezia kanina ang pouch ko at iniabot ‘yon sa akin bago kami humiwalay ni Brent sa kanya.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga ginawang halik sa akin ni Ricci. It felt so wrong but it felt so right. Parang kilalang kilala na siya ng buong pagkatao ko na ultimo ang paghalik pabalik sa kanya ay napaka-simple na lang.

“Lillian tigil na!” singhal ko sa aking sarili at initsa na ang kaunting make up na dala ko sa pouch. Patapos na ako nang pumasok ang isang pamilyar na babae sa pintuan. Iniluwa nito si Michelle na agad napako ang tingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay bago humarap sa salamin sa tabi ko.

“So you’re a performer pala?” panimula niya at naglagay ng lipstick sa labi niya. ‘Di ko siya sinagot at mas piniling ayusin ang aking gusot na damit. “San ka nagpunta kanina? Bakit parang iniwan mo ang mga kagrupo mo sa stage?” hinarap niya ako at humilig sa sink sa tabi niya.

“Excuse me.” I said as polite as I can as I walk pass through her pero ‘di pa ako nakakalagpas ay hinigit niya na ang palapulsuhan ko at iniharap ako sa kanya. “That perfume... sinundan ka ni Ricci ‘no?”akusa niya na akala mo isa siyang asawa na nagdududa sa kanyang mister.

“’Di niya ako sinundan Michelle. Now if you’ll excuse me, babalik na ako.” inalis ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko pero hinawakan niya ulit ito. “Ano ba Michelle?!” pikon ko’ng tanong.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon