Tinawagan 'ko ang driver na kasama namin kanina magpipinsan nang pumunta kami dito at sinabing i-meet niya ako sa labas dahil magpapahatid ako pauwi. Bahala na kung maghanap sina Ivo and Leesi sa akin pero ang importante ngayon ay makalayo ako dito. Nawakasan 'ko na ng tuluyan ang katangahan na ito at ang apoy ng pag-asa na ilang taon ko'ng dala na sana ay may pangalawang pagkakataon pa para sa aming dalawa ay wala na talaga.
I would lie to myself if I would deny that there isn't any hope left in me that's looking forward for another shot with Ricci. Sa katunayan nga ay hindi ako tuluyang nakawala sa mga tanikalang itinali niya sa akin ng umalis ako. Umalis ako ng bansa at ngayon ay nakabalik na ng hindi man lang nagalaw o kahit naalis ang isa sa mga tanikalang 'yon. I'm still in a deep sleep earlier but then reality hits me hard and made me realized na hindi lahat ng iniisip 'ko at hinihiling 'ko ay magkakatotoo.
Palapit na ako sa labasan ng mismong dome nang maaninag 'ko ang isang pamilyar na babae na nakatayo at nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Maikli na ang kanyang buhok pero tulad ng dati ay maganda pa din ang kanyang mukha. Medyo mas nadepina pa ang kanyang hubog sa katawan dahil na din siguro sa volleyball.
"Your heart was torn into million pieces again?" tanong niya sa akin at 'di tulad ng dati ay wala ako'ng mabakas na inggit o kahit galit man lang doon.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya saka ako ngumiti ng pilit. Ramdam 'ko ang bawat sakit sa bawat pagpilit 'ko na ngumiti ako. Ang hirap pala kumbinsihin ang sarili mo na ayos ka lang, na hindi ka nasasaktan at hindi ka na apektado sa kanya. Pero ito siya at muli ako'ng sinaktan. Muli niya ako'ng winasak ng ilang segundo lang. Winasak niya ang isang panibagong Lillian na tatlong taon ko'ng binuo at pinaghirapan. Tatlong taon na pag iisip at pagpapakasaya ay biglang nawala dahil lang sa parehong lalaki na sumira sa akin noon.
Pinahid 'ko ang aking mga luha bago sumagot kay Michelle. "Yep." sagot 'ko na malungkot niyang nginitian at saka ako hinila sa isang yakap. Nakakapanibago ang kanyang kinikilos pero may kung ano sa kanya na nagpakalma sa akin. Hindi 'ko lang mawari kung ano...
"Girl, I don't want to give you false hopes so I won't be telling you that everything is gonna be fine because apparently, it's not going fine." kumalas siya sa pagkakayap at nanatili ang kanyang hawak sa aking magkabilang balikat. "Pero alam mo ba ang nalaman 'ko sa tatlong taon na pagpapakatanga?" ngumiti siya sa akin at parang isang dating kaibigan na komportableng pinahid ang mga luha 'ko. "Nalaman 'ko na kadalasan, kailangan mo'ng iiyak ang mga bagay na nagpapasakit ng kalooban mo. Cry everything that needs to get out of that fuckin' chest at kapag tapos ka na ay isara mo na ang kabanata ng buhay mo na 'yon." ngumiti siya sa akin. "Lillian, it's okay not to be okay. It's okay to cry, it's okay to be sad but please, do not let others dictate who you really are." malumanay niyang sagot at hinimas ang braso 'ko bilang pagdamay sa akin. "I know I sound so close to you now like a friend and I can't blame you if you won't listen. But please, know your self-worth. Do you really deserve this kind of treatment? Do you really deserve all of these bullshits and deal with it for the last three years?"
"No." sagot 'ko na namamangha sa mga sinasabi ni Michelle.
"See? Hindi Lillian, so wag ka nang magpakatanga kay Ricci. Lillian I know the feeling and I really pity you dahil nanggaling na ako dyan. Ilang taon ako'ng nagpakatanga kay Ricci but look at me now?" ngumiti siya sa akin at nahihiwagaan pa din ako sa ikinikilos niya.
"Michelle thank you. But I don't think I'm ready for advises yet. I just need to be alone." sagot 'ko sa kanya na agad niyang nginitian at tinanguan.
"I understand girl." binitiwan niya ang braso 'ko at saka nag ayos ng tayo. "I'm sorry for being too close, I just found the urge to help you and give you some words of encouragements. At ang dami 'ko ding atraso sa'yo noon dahil lang sa nagpakalunod ako sa sarili ko'ng emosyon at nararamdaman kay Ricci. So, I'm sorry." paghingi niya ng tawad at sa simpleng paghingi niya ng tawad ay parang may isang tinik na naalis sa aking dibdib dahil sa ginawa ni Michelle ngayon. "You should go." sambit niya at inabot ang isang calling card na pink. "Call me if you need a friend. I've always wanted to be one." maligaya niyang sabi na agad ko'ng sinang-ayunan at tinalikuran 'ko na siya.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017