Chapter 27: Pink Box

12.2K 374 87
                                    

Naging mabilis ang mga araw ng aming paghahanda para sa pagtatayo ng booth. Dumating ang mismong araw na parang isang executive director ang nasa loob ng booth dahil nakapaligid ang mga body guards ‘ko sa gilid which is a good thing dahil nagmukha silang mga disenyo para sa araw na ito.

Napagkasunduan ng buong klase na since lagi silang nakasunod ay gawin namin silang nut-cracker soldiers para palamuti sa booth. PInagtawanan ko ang ideya nila pero agad ding ipinaalam ito kay Daddy. Ang sabi niya ay okay naman daw ang plano ‘ko at pinakiusapan ‘ko pa siya na kung pwede ay dagdagan niya na lang ang sweldo ng mga body guards na agad niyang sinang-ayunan.

“Lillian ang galing talaga!” Sandra squeals at nagtatatalon pa dahil kumpleto ang mga nut-cracker soldiers namin sa costumes at props.

“Feeling ko talaga bebenta tayo today! Ang bongga ng booth natin!” sabi naman ni JC, ang bakla naming kaklase. “Mamshie nasaan ‘yung jowabells mo? Witchikels mo pa ipa-getsung dito? Mamshie pa-sight naman kay papi!”

Inirapan ko siya at humalukipkip. “Beks mamili ka na lang. Distansya o Funeraria?” nagtaas ako ng kilay sa kanya na agad niyang nginusuan.

“Mamshie ‘di na mabiro!” untag niya at inabala na lang ang sarili niya sa pag-aayos ng mga cupcakes na kakalabas lang from the oven at ang churros na nailuto na kanina lang saka ang chocolate dip nito.

Medyo naging maayos na din ang pakiramdam ‘ko nang lumipas ang halos isang linggo nang makalabas ako ng ospital. Naging mabilis ang pagkakatuyo ng sugat ‘ko sa ulo at hindi naman halata ang tahi dahil natatakpan siya ng aking buhok. Mapalad na nga lang ako at hindi ganoon kalaki ang naging damage sa akin.

Ilang araw na din walang tigil sa paghanap si Daddy at Tita ng ebidensya tungkol sa humampas sa akin at sinabi na din sa kanila ng mga body guards ang naging usapan namin ni Michelle kaya nagpa-background check sila agad sa babaeng ‘yon. Unfortunately, hanggang ngayon ay wala silang makitang ebidensya na siya nga ang gumawa. It’s a valid reason na baka nga lang narinig niya lang kung saan ang pagkapukpok sa akin ng bote dahil hindi lang naman ako ang tao sa dorm nina Ricci noon pero ang tanong ay may aamin ba kung sakaling kailanganin ng witness?

“Siomai love to you?” said a guy beside me and offered me a plate full of siomai.

“Ricci para ka’ng tanga.” komento ko at kumuha sa siomai na inaalok niya gamit ang toothpick doon at isinubo ito. “’Di ko na sasabihing masarap at baka sabihin mo na naman na mas masarap ka.”

“Babe, wag mo naman ipangalandakan. Baka mamaya kailangan na natin mamangka sa sobrang paglalaway ng mga kaklase mo.” naging mapaglaro ang ngiti niya sa akin at ngumuso pa sa gilid niya para ituro ang mga kaklase ko na nakatingin nga lahat sa kanya. Mapa-babae man ‘yan o binabae.

Umiling ako sa kanya at sinapo ang aking ulo. “Ricci dapat talaga sa’yo tinatago sa ilalim ng palda e para hindi ka nakikita.”

“Gusto ‘ko yan. Tago ako sa palda mo-”

“Siraulo, hindi!” sigaw ko at niyakap ang ulo niya para makutusan siya. “Expression lang ‘yun para sa mga gusto itago o naduduwag pero hindi ibig sabihin na… hay jusko Rivero!” singhal ko sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayuko at pagkakayapos ‘ko sa ulo niya. “You started it. Sabi mo masarap ako.”

“Kasi ‘yun naman lagi mo’ng sinasabi kapag binibigyan mo ‘ko ng pagkain. Kailangan ang huling puntos mapunta dapat sa’yo.” komento ko at humilig sa balikat niya nang akbayan niya ako. “Hindi ka pa ba babalik sa booth niyo? Magsisimula na mamaya ang bentahan.”

“Oo nga. I better go babe. Hiwalay ang booth ng basketball team sa mga courses e kaya kami kami lang din doon. See you later?” anyaya niya na tinanguan ‘ko saka siya nagnakaw ng halik sa pisngi at agad nang tumakbo. Agad ako’ng tumingin sa mga body guards ‘ko kung nakatingin ba sila pero nang makitang deretso ang kanilang tingin ay nakahinga ako ng maluwag.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon