Kabado akong pumasok sa entrada ng ospital sa una ko’ng araw. Ang sabi sa akin ay ngayon daw ako i-orient ng mga seniors ‘ko dito sa ospital. Nagsuot ako ng isang simpleng green blouse at skinny jeans saka ito tinernuhan ng heels para maging medyo pormal saka ako nagpasyang pumunta na dito.
“You must be Lillian?” tanong sa akin ng isang lalaking doctor nang salubungin niya ako.
Agaran akong tumango at magalang na ngumiti sa kanya. “Yes po and you must be Doc Franco?” magalang ko’ng sabi na tinanguan niya naman bago kami nagkamayan.
“So I heard you took your National Medical Admission Test last month at pumasa ka agad?” tanong niya at tumango ako. “You got the brain…” he complimented me na nagpangiti sa akin. “Anyway, so napagkasunduan ng mga seniors at ng school na since transferee ka naman at dito mo napiling mag med-proper, you’ll just stay here for two years.”
“P-Po?” utal ko’ng tanong. “I don’t think I heard you right po. Bakit two years lang po?”
“You see Miss Dela Cruz, not unlike any other doctors and physicians na lagi silang stay in sa hospital, ang sports doctor ay hindi. Kadalasan kasi ay from Doctor of Medicine na pre-med ay nagtutuloy sila dito. Ang iba naman ay nagfofocus sila sa pagiging nutritionist nila sa pag med-proper nila. In here, we don’t consider you as a student but a real doctor already. So please act and work like one, understood?” dere-deretso niyang sabi na agad ‘ko namang sinangayunan. “Two years ka lang dito sa hospital then we’ll try to expose you including all the med students sa mga dapat niyong working environment like clinics, gyms, or kahit sa mga basketball teams.”
“Follow me, so I can introduce you to your colleagues. Dadalhin na din kita sa department na paglalagyan namin sa’yo. There are cases na kailangan ng assistant doctor ng resident doctor dito para sa mga operations kaya ikaw ang aasahan niya. Also, alam mo naman siguro ang iba’t ibang gamot para sa mga pasyente, right?”
“Opo.” Sagot ‘ko na ikinangiti niya.
“Good.” Sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Tumigil kami sa isang kwarto sa may ikalawang palapag at nasa harapan ‘ko ang itim na pinto at nang buksan niya ito ay iniluwa nito ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng kanyang white coat. Tumingin siya sa akin at ngumiti sa amin pareho ng doctor na kasama ‘ko. Maayos na nakatayo ang kanyang buhok, balbas sarado ang kanyang mukha na bumagay naman sa kanya dahil sa mas nagmukha siyang lalaki dahil doon. Ang kanyang matangos na ilong ang nagsasabing may pride siya at may sinasabi siya sa buhay dahil na din sa kanyang tindig nang tumayo.
“Good morning Doc Franco!” bati niya sa doctor na kasama ‘ko at agad itong lumapit sa kanya para makipag kamayan.“Doc Zie, ito nga pala ang soon to be doctor ng La Salle all the way from Vence, France… meet Lillian. Lillian this is Doctor Zie, one of our best sports doctor here. He will teach you everything you have to know from the medicines, down to the surgery.” He smiled at me at ngumiti din ako pabalik.
I’m starting to feel giddy and nervous at the same time. I just can’t believe na kung ano ang mga binabasa ‘ko lang noon sa mga libro ay ito ngayon at gagawin ‘ko na. Honestly taking this course is not easy after all. Dahil bukod sa pagbabasa ‘ko ng isang-katutak na libro ay kailangan din maging maingat sa mga operasyon na gagawin bilang doctor. I don’t know kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kapag nagkamali ako kahit kaunti dito. Ayaw ko’ng mawalan ako ng pagkakataon na matapos ‘to at makuha ang aking lisensya dahil lang sa isang pagkakamali.
Naging mabilis ang unang araw ‘ko sa ospital. Pinanuod ‘ko at nakinig ako kay Doc Zie kung ano ang mga nirereseta niya sa pasyente niya na nagpupunta sa kanya. Kadalasan ay nagpupunta ang mga pasyente para sa mga pain killers o di kaya ay para sa isang general check-up para sa kanila dahil atleta nga ang karamihan sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017