“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Brent ng lumabas siya ng boy’s room matapos mag-shower at magbihis ng mabilis. Inatake ang ilong ko ng pabango niyang panlalaki talaga.
Tumango ako at nagpilit ng ngiti. “O-Oo naman. Nagugutom lang ako.” pagdadahilan ko.
Tumango siya at ngumiti bago niya ako inakbayan na parang tropa lang at naglakad na kami. “May victory party mamayang 7pm pero since may isang oras pa naman, saan mo ba gusto kumain muna?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
“Naku, Brent wag na. Uuwi na lang ako para kumain kaysa isama mo pa ako sa victory party ng buong team.” nahihiya ko’ng tanggi.
“Come on Lillian, I invited you in this game. ‘Di naman pwedeng umuwi ka na lang after ng game. Come on, sumama ka na.” jusko kapag sumama ako pakiramdam ko may nakamasid lagi sa akin at ayaw ko non.
“I’m only coming to that victory party if kasama si Kreezia.” palusot ko at nagpigil ng ngiti. Alam ko’ng ‘di makakasama si Kreezia dahil siguro bilang ang seats at foods para sa iilang tao lang.
“Fine, yun lang pala e.” walang amor niyang sabi bago niya kinuha ang telepono niya at may pinindot bago ito inilagay sa tainga niya. “Kreezia, salubungin mo kami ni Lillian sa may entrance ng stadium sabay ka na sa amin… edi ipadala mo sa mga kaibigan mo ‘yang kotse mo… nope, basta sasama ka sa akin… oo kasama si Ricci puro ka Ricci… basta nga Kreezia, sasama ka ba? Fine, victory party ng team at isasama kita, ayaw mo?… ‘yon madali ka naman pala kausap.” puro sagot ni Brent ang narinig ko at ang mga satisfied smiles niya lang ang nasilayan ko na emosyon mula sa kanya at wala nang iba bago ibinaba ang cellphone. “Okay na.” ngumiti siya sa akin at napailing na lang ako dahil sa sobrang kulit niya.
Lumabas na kami ng stadium at tulad nga ng napag usapan ay kinita namin si Kreezia sa labas at sumakay na kami sa kotse ni Brent. Panay ang kantyaw sa akin ni Kreezia na sobra daw ang pagka-special ko ngayong araw pero ‘di ko mawari kung paano ba’ng special ang sinasabi niya. Kung dahil ba ‘yon sa tickets na ibinigay sa akin, o sa seat na mayroon ako kanina o ‘yung nakasama ko ang mga players na kasama niya naman lagi at lagi pa siyang may pictures pero di siya nananawa?
Brent decided to grab us a snack at Auntie Anne’s Pretzel. We ordered three pretzels and iced tea for drinks. We strolled around the mall while eating. Tawa ng tawa si Brent sa nakita naming babae na may nakadikit na kung ano sa likod niya at imbis na sabihin ay itinuro niya pa ito kay Kreezia at nagtawanan silang dalawa. Ganitong klaseng tao si Brent; a carefree and a happy person. I like how he reacts to things that aren’t that funny but he still try to smile and be appreciative as possible.
“Brent we should be going!” aya ni Kreezia ng mag alas sais imedya na. Sa may condo lang naman ng isa sa mga assistant coach daw nila ang gaganapin na victory party. May kaunting kainan at inuman at pagtapos non ay uuwi na.
Agad na tumalima si Brent at umalis na nga kami para pumunta na sa condo na sinasabi niya.
Sa labas nga ng building ng condo ay kanya kanya nang park ang mga players ng kanilang mga sasakyan at ang iba naman ay pinili mag park sa loob ng parking lot ng condo. “Baba na kayo, intayin niyo na lang ako sa may lobby.” sabi sa amin ni Brent nang wala siyang makitang parking sa labas ng condo.
“Okay.” Kreezia and I answered in chorus bago kami bumaba at nauna na sa may lobby ng condo.
“Yes ma’am? Good evening!” bati sa amin ng babae sa may information desk. “Visitors po?” tanong niya ulit.
“Beshie sagutin mo. Sabihin mo, VIP visitors kamo tayo ng Archers!” pabulong na singhal sa akin ni Kreezia.
“Kreezia para kang tanga. Nagtatanong lang si ate.” paalala ko sa kanya at hinarap ang babae. “Yeah, we’re with Brent Paraiso, one of the Green Archers.”
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
Fiksi PenggemarA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017
