Para ako’ng hinihila sa mga titig ni Ricci sa pagkakasabi niya ng mga salitang ‘yon. It’s not like I didn’t expect him to make a move to any girl here. It’s just that… may iba sa kanya kaya ako hindi makapagsalita agad.
Pinilit ko’ng irapan siya at napainom ako sa mojito’ng nakalapag sa may mesa na kanina ko pa hindi ginagalaw. Nanlalamig ang buong katawan ko na ‘di ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin. It’s like I’m in trouble everytime he looks at me. Too scary to run, too sinful to resist.
Goodness, Lillian what are you thinking?!
“Ricci, your girl last night.” sambit ng kasama niya sa team na si Aljun na nagpaalis ng tingin niya sa akin. Napabaling ako sa babaeng rebonded ang hair at akala mo kinulang sa tela sa sobrang iksi ng suot. Mas may tela pa ata ang suot ni Kreezia sa kanya. Baka kailangan niya ng damit, marami ako sa closet.
Your girl huh?
“Let her be.” simpleng sagot ni Ricci kay Aljun at humilig sa couch at kinuha ang mojito ko na nasa mesa.
Wow!
“Excuse me, but that’s mine.” magalang ko’ng sabi habang iniinom niya ang drink na binili nila sa akin.
“I just took a sip Lillian. It’s not that big of a deal.” ngumisi siya at binasa pa ang labi bago ako tinitigan sa mga mata. “The taste of mojito is different though. It’s… sweet.” and the evil inside him came out again. Ugh!
“Magulat ka kapag maanghang nalasahan mo sa mojito…” I sarcastically taunted and smirk. I’m actually enjoying teasing him. Paano kaya mapikon ang isang ito?
“I don’t think your lips are spicy…” he was glaring and gawking at me like I’m some sort of food.
Pinanlakihan ko siya ng mata at ramdam ko ang init sa pisngi ko. Parang sasabog ako!
“Ewan ko sayo.” I rolled my eyes at umusog na kay Kreezia na kanina pa nakatingin sa aming dalawa at nakataas na ang kilay sa akin.
“Mamshie mukhang magkakamatayan tayo kapag diniskartehan ka niyan ni Ricci.” babala ni Kreezia at ng tignan ko siya ay nakataas talaga ang kilay niya na akala mo papatay siya para sa lalaking manyakis na to. Jusko, yaman yaman di marunong bumili ng sarili niyang inumin!
“Kreezia sayong sayo na. Ayoko sa hayok sa labi.” I said as-a-matter-of-fact and got my cellphone out.
Inabala ko ang sarili ko sa twitter at instagram para wala na ako’ng mapansin na kakaiba mula sa kapaligiran ko. I needed the space, honestly.
Panay ang pangungulit ni Kreezia kay Ricci about sa hawak niyang fan account sa twitter. Nakita ko pa’ng ibinigay niya ang username nito kay Ricci. I really don’t get it kung anong mapapala ni Kreezia sa ganyan. Well I guess supporting the team won’t harm anybody, but please… not to the extent na may fans club?
Mabilis natapos ang party na ‘yon. I was not expecting na di pala masyado nakikisalamuha ang buong team sa mga tao. May mga piling tao lang ang nakikipag usap sa kanila at kadalasan mga babaeng nangangati pa ata ang lumalapit. Panay din ang pagmumura ni Kreezia sa gilid dahil may isa pang babae na kumandong kay Ricci ng umupo ito sa tabi nila ni Brent. Napapailing na lang ako sa mga nakikita ko dahil kung ako yan… bakit ako kakandong? May upuan naman.
“Kreezia wake up! Ano ba nakabihis na ko!” sigaw ko sa kaibigan dahil mag aalas nuebe na at start na ng first class namin pero ‘di pa din siya nabangon.
“Five minutes…”
“Kreezia kanina pa ‘yang five minutes mo!” sigaw ko at inayos na ang bag ko para makaalis na. I guess lahat ng nag inom kagabi sa party ay hindi makakapasok ngayon.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017