‘Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na tapusin ang morning jog na ‘yon. Hapong hapo ako ng matapos ang first activity namin sa araw na ‘yun. Gustong gusto ko’ng umupo muna at magpahinga sa bawat hakbang ko pero andoon si Ricci na sinabing wag ako tumigil dahil mas mararamdaman ko ang pagod kapag nagpahinga ako.
Sa buong jog namin ay may mga built in speakers sa buong camp at tumutugtog doon ang mabilis na mga tugtog na nagpalibang din sa aming mga natakbo. May parte pa nga sa morning jog na gustong makipag karera ni Brent kay Ricci pero binaliwala siya nito at nanatili sa tabi ko.
“Grabe! I need air!” reklamo ko nang matapos na ang jog naming ‘yon. Nasa mga cottages kami ngayon at nagpapahinga. Binigyan kami ng tag iisang litro ng bottled water at agad ko ‘yong binuksan at ininom. Binalingan ko si Ricci na ngayon ay umiinom ng kanya. Ang bawat lagok niya sa tubig ay bumaba din ang adam’s apple niya at ang bawat butil ng pawis niya na bumaba sa leeg niya ay talaga namang…
“Ano kaya ang breakfast?” tanong sa akin ni Ricci at bumaling sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanyang leeg at tumingin sa kanya ng deretso. “I don’t know. Sana medyo heavy. Grabe ‘yung gutom ko.” sagot ko na pinagtaasan niya lang ng kilay.
“Aren’t you on a diet or something? Why do you want to eat something heavy?” taka niyang tanong.
“I don’t do diets.” I confessed as-a-matter-of-fact na tinanguan niya. “Why’d you asked?” tanong ko.
“Well, usually kasi sa mga babae na nakakasama ko ay may diet sila lagi so yeah…” ilang niyang sagot at umiwas ng tingin sa akin.
Playtime.
“Babae? Like Ali?” tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Bumaling ulit siya sa akin at lumalim na naman ang mga titig niya.
“Ali? Kilala mo siya?” taka niyang tanong.
“Nakausap ko siya noong previous game niyo. She’s pretty and…”
“And?” he asked pursuing me to talk.
“Well, she’s pretty.” ngumisi ako at nagkibit balikat. “Saka magaling siya mangabayo in fairness.”
“Lillian!” singhal niya sa akin at ‘di ko na mapigilan na matawa. Sa ngayon ay ‘di ko na muna iniisip na nadidiri ako sa kanya noong mga oras na ‘yon. I don’t want to spoil what he’s showing me right now. Medyo nagugustuhan ko na ang side niya na ganito. Masaya lang kausap at walang kapaan na nagaganap kung ano ba talaga ang mga dapat sabihin sa bawat isa. “Why do you keep mentioning that? May nakita ka ba? May alam ka ba?” tanong niya sa akin na ngayon ay parang bata na mapipikon na kapag ‘di ko siya sinagot sa tanong niya.
Nagkibit ako ng balikat at sumandal sa inuupuan ko. “Maybe?” tawa ko at di na muling dinugtungan na. Tumayo na ako para mag-aya na pumunta na sa canteen at kumain na kami. “Tara.” sabi ko at mauuna na sana sa paglalakad nang hawakan niya ang kamay ko at nang harapin ko siya ay seryoso na ang mga mata niya.
“You saw it don’t you?” tanong niya sa akin na para ba’ng kapag ‘di ko siya sinagot ay may mangyayaring ’di maganda. Nanatili ako’ng tahimik kaya naman inulit niya ang tanong. “You saw it, Lillian?”
I sighed and answered in defeat. “Yep.” casual ko’ng sagot at tinago ang kung anong emosyon sa loob ko. I started this conversation at ngayong seryoso na siya ay ‘di na ako komportable. Lillian, ano ba?!
Pumungay ang mga mata niya nang sumagot ako at lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “I’m sorry that you have to see that.” he said in a very disappointed tone.
I was surprised dahil ‘di naman siya kadalasan ganito. Iba talaga ang Ricci na nakakausap at nakakasama ko ngayon. “Ano ka ba, wala ka naman dapat ihingi ng tawad.” I fake a smile at kinuha na ang braso niya para mag aya na maglakad. Sumunod naman siya agad sa akin.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017