Chapter 37: Valentine

10.6K 386 249
                                    

“I-I better go.” Kabado ko’ng sabi habang kumakalas sa pagkakayakap niya pero parang may kung ano sa akin na nagsasabing wag muna ako umalis.

Hindi ‘ko alam kung anong dapat ko’ng isagot sa tanong niya sa akin. Alam ‘ko naman na storya namin ang sinasabi niya at alam ko’ng marami ako’ng pagkakamali noon at hindi lang siya na hindi ‘ko noon nakita dahil masyado ako’ng naka-focus sa kung anong nararamdaman ‘ko. I was too selfish before para hindi siya inintindihin. I was too immature three years ago and I can’t blame him kung mapagod na siya sa kakaintay.

I never really asked him to wait for me but I would lie to myself kung sasabihin ko’ng hindi ako umasa na ganoon nga ang gagawin niya. Nagintay naman siya sa akin pero napagod nga lang.

“That’s your answer?” tanong niya sa akin at hinayaan ako’ng kumalas sa kanyang pagkakayakap. Tinignan niya ako na parang nababasa niya ang nasa kaloob-looban ‘ko at hindi ‘ko ‘yon kaya. It’s like I’m committing a sin every time I stare back into his eyes.

“No…” I replied, almost a whisper. “I mean… I don’t know Ricci.” Naguguluhan ko’ng sabi bago nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ‘ko kayang makasira ng relasyon dahil lang sa gusto ‘ko. Oo, walang nagbago. Nabuo lang siguro ako pero hindi siya naalis sa sistema ‘ko. Natuto lang ako na abalahin ang sarili ‘ko sa ibang bagay pero hindi ang kalimutan siya ng tuluyan.

“Babe…” he gently said as he caressed my hand. “I’m really sorry for everything. Alam ‘ko hindi ako madaling paniwalaan dahil sobrang komplikado na ng sitwasyon natin ngayon.”

“Ricci you know we can’t. May girlfriend ka na at alam ‘ko ang pakiramdam na maiwan at mapili ng iba ang taong mahal ‘ko and I would never want that to happen to Kreezia. She’s still a woman and every woman deserves to be happy.”

“And so do you…” may pagsusumamo niyang sabi at hinalikan ang kamay ‘ko. “If it’s the label you want I can give you that. If it’s the exclusiveness of me you want then I’m all yours. Just please don’t leave me anymore. Dahil ngayon na nandito ka sa tabi ‘ko ay isa nang himala para sa akin at ang iwan mo ulit ay parang ‘di ‘ko na kakayanin.”

Nangilid ang mga luha ‘ko sa mga sinabi niya. Hindi ‘ko akalain na kaya niyang maging ganitong ka-transparent sa nararamdaman niya. Possible pala na ang isang taong nasaktan na ng todo todo at mawasak ay kaya pang mabuo at tumibok ulit ang puso.

“Lillian, babe, please don’t cry.” He pleaded as he wiped my tears from the bay of my eyes. “Don’t shed a tear anymore please. It makes me regret more the years that you’ve been gone. I… I just can’t lose you again even if it means hurting everyone around me again.”

“Ricci you can’t do that again!’ giit ‘ko habang pinaglalaruan niya ang daliri ‘ko. “Noong huling beses na ginawa mo ‘yan ay maraming nasaktan. Nasaktan mo si Brent at Michelle na inabot ng ilang taon para maging masaya ulit. We can’t start a relationship lalo na kung makakasakit lang din naman tayo.”

“Does it even matter? Ikaw lang naman at ako ang nasa relasyon at hindi sila.”

“Baluktot na katwiran ‘yan Ricci!” singhal ‘ko sa kanya. “You can’t repeat the same mistakes you’ve done before. Dahil parang wala ding pinagkaiba kung magsisimula tayo. Walang nagtatagal na relasyon lalo na kung sa mali ito nagsimula. Hindi mo pwedeng baliwalain ang mga tao sa paligid mo.”

“But-“

“Kuya!” sigaw ng isang bata na nagpaputol ng kanyang sasabihin. Nagtatatakbong pumunta sa kama ng kanyang kuya si Riley na ngayon ay malaki na. Mataba pa din ang kanyang pisngi pero napansin ‘ko na tumangkad na siya at medyo nag-iba na din ang boses. “Ate Lillian?” taka niyang tanong nang makita ako.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon