Chapter 15: First Aid

12K 458 114
                                    

Natapos ang araw na ‘yon na namumugto ang mga mata ko. This is the last time that I’m gonna cry for you Ricci. Nakakasawa palang paulit ulit na lang mag-isip kung ano ang mga ibig sabihin ng mga sinasabi mo at ang mga kilos mo. Gusto ko’ng intindihin dahil baka hindi ka lang showy na tao pero noong nakita ko kung gaano ka ka-showy kay Michelle ay nag iba ang pananaw ko.

Panay din ang kwento sa akin ni Kreezia noong araw na ‘yon sa ginawang “pecking” ni Ricci at Michelle pero ‘di na bago sa akin ‘yon dahil nakita ko na. It’s not like I’ll hurt more just by hearing that news from Kreezia.

Naging successful ang interview ng BNC sa buong team ng Green Archers na ikinatuwa ko naman dahil masasabi ko’ng isa ako sa mga nag effort para maging possible ‘yon. Pero hanggang doon na lang ‘yon. Tama ang sinabi ng aking Daddy na ‘di ko pwedeng pilitin ang mga taong gustuhin tayo. Meron at merong tao na mag re-reject sa atin at ang sa akin… sa tingin ko’y isa na si Ricci sa mga ‘yon, walang duda.

Pumasok ako sa school na parang wala lang sa sumunod na mga linggo. Nagpaiba na din ako ng schedule sa registrar ng mga klase ko para lubusan silang maiwasan. Malungkot dahil bagong pakikipag sapalaran ‘yon sa akin pero pinasok naman ako sa klase ng pareho ko ding mga prof pero iba lang ang oras. Hapon ang simula ng klase ko at kung minsan ay tag-iisang subject lang kung ikukumpara sa whole day ko na pasok na kung minsan ay apat na araw lang ang pasok, ngayon ay araw araw pero maikli naman which is good dahil kapag uwian nila ay noon pa lang ako papasok.

“Miss Dela Cruz.” tawag sa akin ng prof ko sa Law nang makitang di na naman ako nakikinig. Kung minsan ay madalas akong ganito dahil parang bumabalik sa akin ang mga nangyari noon o kaya naman ay binabaha na ako ng sobrang daming tanong sa utak ko.

“Yes ma’am?” I cheerfully said as if I wasn’t spacing out.

“Can you please state Article 3 Section 4 of the Philippine Constitution, since you’re spacing out again?” matalim ang tingin sa akin ng prof ko at alam ko’ng naninibago na siya sa akin dahil dati naman ay ‘di ako ganito.

Tumayo ako at tumikhim bago nagsalita. “Article 3 Section 4 of the Philippine Constitution states that; No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Nagtaas ng kilay sa akin ang prof ko bago nag ayos tayo. “Next time don’t space out in my class and listen or ipapa-recite ko sayo ang Presidential Decree 442.” may pinalidad niyang sabi bago ako pinaupo.

Tumango ako muli nang nakinig sa discussion niya. Ito ang naksanayan ko, na magbasa sa tuwing wala akong ginagawa sa condo kaya kahit papaano ay naisasalba pa ako. Buti na nga lang at ‘di ako katulad ng iba na napapabayaan na ang mga normal nilang gawain dahil lang sa usaping pagibig.

Natapos ang klase sa Law ng mabilis. Pinili ko’ng makinig muna at saka na lang siguro ako magiisip kapag wala na akong gagawin. I just want to get rid of this stupid feeling.

Nag beep ang cellphone ko at agad ko ‘yong tinignan. It displayed Brent’s name na agad ko’ng inignora. Ilang linggo ko na din siya iniiwasan dahil ayaw ko’ng magka-dahilan ako para makita ang taong una at siguro’y huli ko na munang mamahalin. ‘Di ko alam kung anong meron sa lalaking ‘yon na tinamaan ako ng ganitong kabilis at kalakas. Sobra niya ako’ng inangat at sa isang iglap ay binitiwan na naging sanhi ng pagkabasag ko. Pero ano ang magagawa ko? Ano nga naman ang laban ko sa ilang linggo o isang buwan naming pagkakakilala sa first love niya? Wala hindi ba? Kaya bakit ko pa ipipilit?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ‘di inalintana ang lamig ng simoy ng hangin. Malapit na ang pasko, naisip ko na naman ang pamilya ko na pang ilang taon na ba’ng ‘di ko kasama?’Di ko na ata mabilang pero gayonpaman ay pipilitin ko’ng sumaya muli. Sumaya sa paraan na kaya ko.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon