Chapter 31: Skype

8.4K 357 83
                                    

Inakbayan ako ni Crius nang lumabas kami ng bahay ‘ko para pumunta na sa school ngayong araw. Today we are scheduled to pass all of our requirements para makapag-bakasyon na kami at sa susunod na school year na ulit ang pasukan namin. Masaya ako at naka-survive ako sa pangatlong taon ‘ko sa med school at sa totoo lang ay muntik na akong sumuko. Ang bawat libro na kailangang solohin ay talaga namang nakakapanghina ng loob. Pero hindi ‘ko ginawang sumuko dahil ‘yon na ang ginawa ‘ko dati at hindi naman nakatulong sa akin.

“Don’t you want a cup of coffee first?” tanong sa akin ni Crius nang madaan kami sa isang coffee shop ilang kanto papunta sa University.

“Crius we’re running late.” I reminded him and he just smiled and shook his head.

“It’ll take just a minute. So… cappuccino?” napaka-kulit niya talaga kapag may gusto siyang mangyari at ibigay sa akin. Sa tuwing may gagawin siya ay kailangan makita niya na masaya talaga ako. It’s like Crius was sent from heaven para lang pangitiin ako.

It was my first day in the University when he approached me. I know how to speak french but I didn’t bother talking to my block mates dahil hindi naman nila kailangan kilalanin ako at ganoon din ako sa kanila pero iba si Crius. Lumapit siya sa akin at paharap na umupo sa kanyang silya na nasa harap ng mesa ‘ko.

“Chinese?” panimula niya nang kausapin niya ako. Singkit ba ‘ko? Banlag ka ba?

“No.” sagot ‘ko at iniwas ang tingin ‘ko sa kanya.

“Hmm… American? German? French? Oh sorry you don’t look like French.” tinapunan ‘ko siya ng matalim na tingin at agad niyang itinaas ang kanyang dalawang braso na parang hinoldap ‘ko pa siya.

“Woah! Okay little girl, I’m not gonna ask questions anymore.” sabi niya at naupo na ng maayos. Pansin ‘ko ang accent niya na parang kayna Harry Potter na nawawala ang letter “R”. Kawawang “R” binabaliwala. “Crius Miller by the way, an English or British man.” sambit niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay bago ‘ko tinanggap ang kanyang kamay. Ayaw ‘ko naman maging bastos kaya’t tinaggap ‘ko ‘yon. “Lillian Dela Cruz.” pakilala ‘ko sa sarili.

“Oh, you’re Spanish?” tanong niya na inilingan ‘ko.

“I’m a Filipino.” sagot ‘ko na agad nagliwanag ang kanyang mukha. Nakita ‘ko kung paano magningning ang mga mata niya at parang namangha sa kanyang narinig.

“From the Philippines? Wow…”

“Wow, what?” taka ko’ng tanong.

“I mean, I’ve always wanted to meet a Filipino citizen because I like to learn tagalog words. Am I right, is it tagalog?”

Tumango ako at napangiti dahil sa pagkadaldal niya. He reminds me of someone with the same features and attitude.

“Yes, it’s tagalog.” sagot ‘ko at sumandal sa upuan ‘ko. “Why do you want to learn tagalog?” tanong ‘ko.

“Well… honestly I don’t know. I just want to learn tagalog words.” kibit balikat niyang sabi. “Can you teach me?” oh my he’s too innocent looking!

“Depende.” sagot ‘ko na ikinakunot ng noo niya.

“What’s that? Is that a tagalog word already?” kunot noo niyang tanong.

“Yep. Depende means ‘it depends’.”sagot ‘ko na tinanguan niya.

“Why depende?” tanong niya na parang bata.

“I don’t talk to strangers Crius so…”

“You’re not talking to a stranger Lillian. You already know my name and I know yours, so we know each other already.” nagtaas siya ng kilay at ngumisi at may kung ano ako’ng naaninagan sa kanyang ngiting ‘yon. “Can we be friends then?” tanong niya at may kung anong bumalik sa aking ala-ala.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon