Hindi na muling nagsalita si Ricci matapos ko’ng magsalita. It’s like he was offended by my words but what can I do? That’s how I feel every time he’s saying sorry to me. It was too redundant that I can’t even believe him anymore.
“Coach, its better kung madala na si Ricci sa hospital. I’ll explain to the resident doctor what happened.”
Nagpresinta na ako na sumama dahil kahit naman sinaktan ako ng lalaking ito ay hindi ‘ko pa din maiwasan na mag-alala bilang isang tao. I’m a soon to be doctor and my job is different from my own issues.
“Okay sige.” Pagpayag ni coach at agad na tumawag sa kanyang cellphone. The game resumed na parang walang nangyari dahil binalot muli ng sigawan at hiyawan ang buong court. Hindi ‘ko inalis ang cold compress sa paa ni Ricci dahil alam ko’ng mas mamamaga ito kung ititigil ‘ko.
“Thank you Lillian.” Sambit ni Ricci habang nag iintay kami sa ambulansyang tinawagan ni Coach.
Tumingala ako sa kanya at doon nakita ‘ko ang pagod niyang mukha. Ang hapong hapo niyang mga mata na may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Agad ako’ng nag iwas ng tingin bago sumagot. “It’s nothing. I know what to do sa mga ganitong situation at hindi ‘ko naman pwedeng pabayaan ka na mamilipit dyan.”
“Uy concern siya…” he teasingly said and I can sense him smiling kahit na hindi ‘ko siya tignan.
“Ginagawa ‘ko lang kung ano ‘yung dapat. Wag mo bigyan ng malisya Ricci.” Sagot ‘ko at pinagpatuloy na ang ginagawa. Napangiwi ako ng mapagtantong baka may fracture sa midfoot niya at pwede itong mas mamaga pa at baka kailangan pa ng fusion o operasyon para lang magamot ito. If that’s really the case, hindi siya makakapaglaro ngayong season. Sana lang ay hindi dahil alam ko’ng pangarap niya ito at mahal niya ang paglalaro.
Makalipas ang ilang minuto ay agad nang dumalo ang mga tao na dumating kasama ang ambulansya. Inabisuhan ‘ko sila na wag hayaang maiapak ni Ricci ang kanyang injured na paa. Isang pagkakamali sa galaw namin ay pwedeng lumala pa ito.
Agad ko’ng sinundan si Ricci na ngayon ay nakahiga na sa stretcher at namimilipit pa din sa sakit. Panay ang kanyang mura at inda sa namamagang paa. Hindi ‘ko maiwasan na maawa sa kanya pero walang magagawa ang awa ‘ko ngayon dahil mas maiging pairalin ‘ko ang pagka rational ‘ko at isa-isahin ang mga dapat gawin.
“Girl, sasama ka kay Ricci?” tanong ni Michelle na nagtaas pa ng kilay na may nakakalokong ngiti.
“Michelle I know what you’re thinking. Ako lang ang makakapag explain sa doctor kung ano ang possibleng sitwasyon niya ngayon. I’ll set aside my issues first dahil ayaw ‘ko din naman na mapahamak siya.” Buntong hininga ko’ng sagot.
“Ang haba naman ng sinagot mo. Oo or hindi lang naman iniintay ko’ng tanong.” Pang-aasar niyang muli at sinundot pa ang tagiliran ‘ko.
“Michelle stop it.” Napangiti ako dahil sa sobrang kapilyahan niya at saka na ako umalis para sundan si Ricci sa ambulansya.
Naabutan ‘ko siya na ipinapasok na sa ambulanysa. Kasama doon ang assistant coach nila sa team at ako na sasama din. “Coach I need to play! Hindi pwede ‘to!” sigaw ni Ricci sa assistant coach nila sa team.
“Calm down Rivero. It won’t help you kung magwawala ka diyan.” Saway sa kanya ng assistant coach nang makapasok na sila sa ambulansya.
“But coach-”
“Ricci just follow what you’re being told to do. Hindi mo ikamamatay ang fracture sa paa.” Sarkastiko ko’ng sagot saka sumampa sa ambulansya at tumabi sa stretcher niya. “Calm down.” Utos ‘ko at parang isang batas ‘yon na sinunod niya.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanficA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017