Are you alright?” tanong sa akin ni Brent ng makasakay kami ng kotse niya. Ito ang ikatlong pagkakataon na naka-sakay ako sa kotse niya and as I survey his car ay maayos ito. May kaunting kalat sa likod pero kung susumahin ay malinis ito.
“I’m fine Brent.” I answered, giving him a reassuring smile.
“I’m sorry Piglet. I just can’t say no to Ricci. Kilalang kilala ko siya at sobrang close kasi namin.” paliwanag niya at ngumiti sa akin ng alanganin.
“It’s fine Brent. ‘Di mo naman kailangan baguhin ang sarili mo at ang pagkakaibigan niyo ni Ricci para lang makapag-adjust ako. I can bare with anything basta wag niya na lang ako kulitin. Saka isa pa, I’m starting over again and this time, I want to come clean.” I answered and he automatically smiled and held my hand.
“You’re just too good to be true, alam mo ba ‘yon?” komento niya na nagpangiti din sa akin.
“Ikaw din naman. Napakabait mo pwede ka nang santo.” biro ko at kinurot ang ilong niya. “Cute nose panda.”
“Lagi na lang ilong ko.” ibinaba niya ang kamay ko at saka nag focus na sa daan. “May gusto ko bang kainan?” tanong niya sa akin.
“Akala ko ba salad?” pang-aasar ko na tinaasan niya ng kilay.
“Gusto mo talaga ng salad? Sige kukuha tayo ng salad-”
“Uy joke lang!” pigil ko sa kanya at niyugyog pa ang balikat niya. “Gusto ko ng korean food.”
“Korean food? Ang oily nun!” kontra niya.
“E akala ko ba kung anong gusto ko?” pilit ko sa kanya. Medyo cute din pala kapag namimilit ka ng taong nangungulit sa ‘yo ano?
“Fine piglet, korean food it is.” he answered in defeat at iniliko niya ang sasakyan mula sa taft papunta sa kalsada papuntang Makati
Kabado ako sa mangyayaring double date na sinasabi ni Ricci. Parang ‘di ko ata kakayanin na makipag-plastikan sa dalawang taong iniiwasan ko. Can this night get any worst?
Panay ang kanta niya habang nag d-drive, bumibirit pa nga siya kapag napupunta sa isang mataas na nota ang kanta. Napuno ng tawanan at halakhakan ang buong kotse niya at gusto ko ‘yon. I want a man who can catch up with my craziness. May manliliigaw ka na, may comedian slash entertainer ka pa.
Inabot kami ng halos trenta minutos bago namin marating ang isang korean restaurant sa bukana lang ng Greenbelt. Kasunod namin ang kotse ni Ricci na nag-park sa may tabi ng kotse ni Brent at nakita ko kung paano bumaba doon si Ricci at ‘di inalalayan si Michelle sa pagbaba. Ikinibit balikat ko ‘yon at tinanggal na ang seat belt na naka-kabit sa akin.
“Are you sure you’re fine? Lilipat tayo ng ibang restaurant or separate table na lang para ‘di ka na mailang sa kanila.” Brent suggested, his voice full of concern.
I gave him a reassuring smile and spoke, “I’m fine Brent. Ako ang makikisama sa kanila and it’s fine as long as wag nila ako’ng sisimulan. Lalo na si Michelle.” alam ni Brent ang mga issue ko sa bawat isa sa kanila, lalo na kay Ricci at Michelle kaya siya ganito mag-alala ngayon sa akin. It’s not like he’s treating me as a baby, siguro ay ayaw niya lang ako ulit makitang napipikon sa isang bagay na paulit ulit na lang.
“I understand.” he finally answered, convinced as he got out of the car and got himself to open my door for me to get out. I smiled at his gesture at nag umpisa na kaming maglakad papasok ng restaurant.
“Brent bakit dito naman sa korean restaurant? Don’t you guys want Italian food or something?” panimulang reklamo ni Michelle nang magsabay na kaming apat sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017