“Sino may sabing mag-gala kayo hanggang ganito ka-late? Iniwan niyo pa ang bodyguards!” singhal sa amin ni Daddy nang makauwi kami near 12 in the midnight. Alam ko’ng walang pinagsisisihan si Ricci at ganoon din naman ako. I don’t regret anything dahil sobrang nag enjoy ako sa gala namin na ‘yon. Hell I even wanted to rent a hotel room kung wala lang magagalit sa amin at mag-aalala pag uwi namin ng Manila.
“Dad I’m sorry-”
“Lillian hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon? Nasa kapahamakan ang seguridad mo. The last thing we would want to happen is for you to get hit again by a bottle of beer o baka mas malala pa dahil sa mga taong nasa paligid mo.”
“Sir I’m sorry po. Ako po talaga ang nagpumilit na pumunta kami ng Tagaytay. Gusto ‘ko lang naman po pasayahin ang anak niyo and I just want her to feel better dahil hindi naman po siguro lingid sa kaalaman niyo na nabutas ang gulong niya at may gumawa non na kung sino at may nagpadala pa sa kanya ng box na may patay na pusa.”
“Andoon na nga ako hijo, I want the guards to be around you guys at all times! Pinayagan ‘ko na nga kayo maging malaya e pero wag niyo naman abusuhin!” sigaw ni Dad at alam ko’ng hindi na siya nagbibiro.
Nilapitan ‘ko siya at yumakap sa kanya. “Dad I’m sorry na. First time ‘ko kasi sa Tagaytay and magsisinungaling po ako kung sasabihin ‘ko na hindi po namin sinasadya na tumakas. It’s a crazy idea pero it’s one of the best ideas we’ve thought in these past few days. Gusto lang namin maramdaman ulit na kaya pa namin gawin ang mga bagay na katulad ng dati.”
“Am I not giving you the freedom you want?”
“Dad hindi po sa ganoon. Pero iba pa rin kasi ang kami lang dalawa.”
“Umamin nga kayo sa akin… kayo na ba?” tanong niya na hindi ko agad nasagot. Oo, mahal ‘ko na si Ricci pero paano ‘ko sasagutin ang isang ‘yan?
“Hindi po Tito.” agarang sagot ni Ricci na nagpakunot ng noo ko. How can he say that, na parang sobrang casual niya pa na sabihin ‘yan sa aking ama?
“Ayun naman pala e. So why demand for too much freedom?” sagot ni Dad at inalis ang pagkakayakap ‘ko sa kanya. “You may go Ricci. Salamat sa paghatid sa anak ‘ko pero please this is the first and last na tatakas kayo.”
“Yes po.” sagot ni Ricci at bumaling na sa akin. “Thank for today.” ngumiti siya sa akin pero hindi ako makangiti ng todo pabalik dahil sa sinabi niya ngayon lang. May gumuhit na kung anong emosyon sa akin sa sinabi niya… sa sinagot niya kay Dad na parang ang dali-daling itanggi ang tungkol sa amin.
Hinayaan ‘ko siyang makaalis at hindi na ako nagtangkang gumawa pa ng usapin bago siya sumakay ng kotse niya. Walang amor ako’ng dumeretso sa loob ng bahay at papasok ng kwarto nang maihatid na siya paalis ng bahay namin.
Agad ako’ng sumalampak sa kama at niyakap ang unan ‘ko doon. “Bwisit!’ sigaw ko at napaupo dahil sa sobrang pagkainis. “Ganito ba ang laging set up namin? Na magtatanggihan kami tungkol sa nararamdaman namin sa isa’t isa?” bulong ‘ko sa sarili.
Sa buong gabi ay naging abala ako sa paghabol sa mga ipapasa ‘ko bukas sa isang klase ‘ko. Ayan unahin mo ang lamyerda at magagahol ka talaga sa mga dapat ipasa, Lillian.
Buong gabi ‘ko din kausap si Kreezia at nanganga-musta siya sa nangyari sa akin ngayong gabi. Hindi siya nakakalimot na tumawag sa akin at kamustahin ako at kinukulit niya pa ako kung kailan ako babalik sa condo namin na hindi ‘ko din naman masagot.
As much as I want to ay takot ‘din ako sa seguridad ‘ko. I’m pretty much sure na ang pinakaligtas na lugar lang para sa akin ngayon ay ang bahay na ito. Dito hindi ako masusundan at mapapadalhan ng kung anu-anong weirdo na bagay galing sa may galit sa akin o sa pamilya ‘ko.
BINABASA MO ANG
The Master of the Game (Book 1) COMPLETED
FanfictionA fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017