Chapter 8: Smile

13.5K 478 82
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at bago pa ako makatapos sa mga ipapasa para sa mga susunod na meeting ng klase ay dumating na ang araw para sa fitness camp na sinasabi ng University. I really tried to make excuses para ‘di na sumama pero ‘di ako makatanggi sa offer ng isang prof namin na sinasabing exempted na ang mga estudyante na sasama sa fitness camp sa midterm namin.

They’ve released a waiver saying na this camp is free of charge at talagang aim lang ng buong campus na maging fit ang mga kabataan o estudyante nila physically and mentally. It’s not like I can’t work out on my own para sumama dito pero kailangan daw talaga so I decided to join the camp. Sasama din naman si Kreezia so I guess it’s not a bad thing.

“Have you packed your things up?” tanong sa akin ni Kreezia, ang gabi bago ang paglakad namin para sa camp.

“Yep.” simple ko’ng sagot at umupo sa couch. We ordered pizza and chicken for tonight’s dinner since tingin ko’y pupurgahin kami sa camp na ‘yon sa gulay at prutas. Babalik ata kami sa pagiging myembro ng isang tribu.

“Gosh, di talaga ako sasama dito kung ‘di dahil kay Ricci!” she commented excitedly as she eat a slice of pizza.

“Kreezia, you should focus on the activities inside the camp at wag ka puro Ricci. Swear mas makakatulong ‘yun sa ‘yo kaysa sa pagsunod kay Ricci mo.” komento ko na sinuklian niya ng matalim na titig.

“I still don’t get it.” walang amor niyang sabi at humilig sa upuan. “Bakit ba galit na galit ka kay Ricci? Ang bait niya kaya!” and there you go, ang isang fan na ayaw nalalait ang idol niya.

Umismid ako at ‘di na muling nagkomento pa. What for, e hindi naman siya makikinig sa akin.

Kinabukasan ay maaga kaming lumabas ng condo para pumunta sa La Salle at magtipon na sa may gilid ng gym. Naandoon na ang iilang buses na inarkila ng university pati ang mga prof na nag aasikaso kung saan sasakay ang mga estudyante.

“Sir!” tawag ni Kreezia sa prof namin na nagpumilit sa aming lahat na sumali dito. “Good morning po. May sarili po bang bus ang mga varsity ng basketball?” kuryoso niyang tanong. Kailan kaya mawawala sa bibig ni Kreezia ang mga basketbolista na ‘yan?

“No Miss Capricio. Kasama sila sa mga estudyante na dapat nilang samahan. After all, they still belong to a certain section.” sagot ng prof naming magaling mang-ipit ng estudyante at mamilit.

“Goody!” Kreezia exclaimed excitedly as she jump up and down.

Inilingan ko na lang si Kreezia nang tumingin siya sa akin na akala mo ay nanalo siya sa lotto. Ni hindi niya pa nga alam kung kasama ang mga idol niya sa bus namin.

Ilang minuto pa ang inintay namin ay dumating na ang iba pa’ng mga estudyante. Pinapasok na kami sa loob ng bus at niyakap ko agad ang sarili dahil sa lamig na bumalot sa buong bus. Masyado atang tinodo ang aircon sa loob.

Iniayos na ang buong section base on alphabetical order so magkatabi kami ni Kreezia dahil kami na naman ang magkasunod sa master list. Ako ang sa bintana at siya naman ang sa may aisle.

Uminom ako ng soy milk habang nag iintay sa pag alis ng bus. Para akong bumalik sa pagkabata na may filed trip every school year. I even bought snacks and drinks for this trip at nalibang naman ako habang ginagawa ko ‘yon.

“Class, sasama sa bus natin ang Rivero brothers since puno na ang kabilang bus.” anunsyo ng prof naming magaling bago pinag adjust ang mga estudyante na nakaupo na na umusog para makaupo ang dalawang magkapatid sa medyo malapit na upuan. Makikita mo talaga kung sino ang priority e, ano?

Nag taas ako ng kilay nang magtama ang mga tingin namin ni Ricci na ikinakunot naman ng noo niya. Pinaupo sila sa may likod namin ni Kreezia at umatake na naman ata ang pagka - epileptic ni Kreezia nang umupo na ang magakapatid sa likod namin. ‘Di ko sigurado kung anong year na ba si Prince pero ang alam ko’y matanda siya kay Ricci.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon