8 months later...
Mika's POV
Nagising ako nang makapa ko na wala na si Ara sa tabi ko. Okay. Wala na naman siya. Sanay na ko. Ilang buwan na rin na halos gabi na lang kami nagkikita. Ma swerte na nga ako kung makakasabay ko pa siya ng dinner. Simula nung bumalik kami mula sa honeymoon namin ay naging sobrang hands on na siya sa grill niya.
Pero kaya ko pa naman. Naiintindihan ko siya. At mahal na mahal ko siya. Kailangan ko lang na maging matatag. Pagsubok lang ito sa amin. Besides, nangako naman siyang sabay kaming magdidinner mamaya.
Bumangon na ako nang makita kong alas diyes na ng umaga. Every other day na lang ang training namin ngayon. So free day ng Bomberinas today.
Agad kong kinuha ang phone ko nang makita ko ito sa side table. May ilang messages galing kay Ara. Maaga daw siyang umalis dahil may kakausapin silang investors. Nagpaplano kasi siyang magbukas ng isa pang branch.
May message din galing kay ate Kim. Lunch daw sa grill ni Ara. Hmmn. Okay. Wala naman akong gagawin kaya nagreply na ko na magaayos na ko.
Kung iisipin, sobrang malaki na ang ipinagbago ng relasyon namin ni Ara ngayon. Naiintindihan ko naman na kaya siya busy eh dahil nga gusto niya lang i-save ang business niya. Naibenta niya na din kasi ang bookstore para nga ma save ang grill. At ang pizza parlor naman ay ipinaubaya na niya sa mga magulang niya. Hay... Kaya ko to. Siguro kailangan lang namin ni Ara ng something na magba-bond pa samin...
Papasok na ako ngayon sa grill.
"Ye, over here!" sigaw ni Cienne sa isang sulok ng grill.
"Buti at nandito ka na. Kanina pa kami gutom." si ate Kim habang pumipili sa menu nang makalapit na ako sa kanila.
Naupo na ako at nagpalinga linga.
"Wala si Ara.." sabi ni Mela nang mapansing may hinahanap ang mga mata ko. Yeah. Si Ara lang naman ang hinahanap ko. Mabilis nga akong nagayos para makarating dito agad, nagbabakasakaling makasabay ko ng lunch si Ara.
Hay Mika. Kung makakasabay mong mag lunch si Ara eh di sana siya mismo ang nagyaya sayo diba?
"Nasaan siya? Kanina pa kayo dito?"
"Ahh, Ye. Umalis muna sila ni Sophie." nag-aalinlangang saad ni Camille. What's new?
"Pero kasama naman nila si Riri eh.." dagdag na sabi ni Cienne. Lima lang naman kami dito ngayon.
"Okay lang. I trust Ara.." Right. I trust Ara. I learned to trust her again. As if I have choice. Kung di ko siya pagkakatiwalaan, pareho lang kaming masisira at hindi na maggo-grow.
"You should, Yeye. At alam mo namang pure business na lang ang meron sa kanila ni Sophie. At mukhang masaya naman na din si Sophie kay Riri.." pag aassure ni Mela sakin.
Yup. Halos 3 months na rin sina Sophie at Riri. I'm happy for them. Nakikita kong mahal ni Sophie ang bestfriend ko. At ganun din si Riri. Kaya hindi naman ako nag woworry kahit pa araw araw na magkasama sina Sophie at Ara. Through time, I've learned to let go of the past.
"I know." saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Salamat nga kay Sophie at tinulungan niya si Ara. Kung wala siya, malamang wala na itong grill ni Ara ngayon. Bat kasi ninakaw ni Kai lahat lahat. Siya pa naman ang pinagkakatiwalaan talaga ni Ara."
"Tama. Kaya pointless na kapag pinairal mo pa ang pagiging selosa mo ngayon!" sabi naman ni Cienne.
Nagsmirk na lang ako. Hindi ako bitter kung yun ang iniisip niyo. At yung pagnakaw naman ni Kai ng lahat ng pera na naipon ni Ara dito sa grill ay hindi na namin pinaguusapan dahil umiinit lang ang ulo namin. Kung may nagba-bother man sakin ngayon, yun ay ang kawalan ng communication sa relationship namin ni Ara.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...