The next day....
Kim's POV
Nagising ako sa walang katapusang pagriring ng phone ko. Mga 15 minutes ko na din tong iniignore lang kung sino man ang tumatawag pero hindi pa rin tumitigil eh. Nagkusot ako ng mata at humarap sa side ng mesa at kinuha na ang phone ko.
"Hello?"
"Gosh ate Kim! It's 10am at kagigising mo lang?!" Tsk. Si Cienne lang pala. At kung makasigaw sakin parang mortal sin ang magising ng late. "Pakibuksan naman po kami ng pinto ni Camille. Kanina pa kami kumakatok dito!"
Ano?! Ang aga aga manggugulo na naman sila dito sakin ah. Inend ko na ang call at naghilamos at mumog muna ako bago sila pinagbuksan ng pinto.
"O? Ang aga aga eh.." kamot ko sa ulo ko.Pinapasok ko na sila.
"Where's Mela?" tanong ni Cienne saka umupo na sa couch. "May dala kaming breakfast oh.."
"Nasa trabaho na." Inabot ko na mula sa kanya ang plastic na naglalaman ng pizza mula pa sa pizza parlor ni Ara. Seryoso ba tong kambal? Kailan pa naging breakfast ang pizza? "Bakit kayo naparito?"
"Ewan ko din to kay Cienne ate eh. Hinatak lang ako mula sa PretTEA. Marami pa naman akong ginagawa dun." naupo na rin si Camille sa katapat na couch ni Cienne.
"Teka lang. Ihahanda ko lang tong mga dala niyo. Saan niyo ba gustong kumain?"
"Diyan na lang sa dining ate.. Tulungan ka na namin." tayo ni Cienne at sinundan na ko. Ganun din ang ginawa ni Camille.
Tutulungan daw ako pero pagdating dito sa dining eh si Camille lang naman ang tumulong sakin. Binuksan niya ang sliding door sa balcony at dumungaw muna dun. Parang ang laki ng problema.
"Anong nangyayari dun sa kambal mo Mil?" sabi ko habang hinahanda ang pagkain. "Ang laki ata ng problema."
"May sasabihin daw satin. Hindi din sinabi sakin eh. Kanina ko pa kinukulit, ayaw talaga. Hintayin ko daw pagdating dito.." Nagtitimpala naman ngayon si Camille ng juice.
Pagkatapos namin ay dinala na namin ang mga pagkain sa dining. May note pala na iniwan si Mela na mas maaga daw siyang umalis ngayon para mas maaga niyang matapos ang trabaho niya at makapagsabay kami ng lunch. Napangiti na lang ako at tinago na muna sa bulsa ko ang note.
Naupo na kaming tatlo sa mesa at nagsimula ng kumain. Kahit pa may idea naman na ko kung ano ang sasabihin ni Cienne ay nanahimik na muna ako. Hinintay ko na lang na siya na ang mag open up.
"Alam niyo bang sinundan namin ni Gayle si Mika kagabi?" biglang sabi ni Cienne pagkatapos lunukin ang kinakain niya at uminom ng juice.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...