Ria's POV
Nakakatakot ang expression sa mukha ni Mika. Kilala ko tong bestfriend ko. Minsan lang magagalit pero... urgh. Sasabihin ko ulit, nakakatakot! Idagdag pa na mukhang pagod siya sa laki ng eyebags niya. At sumunod siya dito sa bar na dala dala pa ang malaking bag niya.
"Ye," nakayukong lumapit si Ara sa kanya.
"Yan lang ang sasabihin mo? Ye?!" galit na galit pa rin na sabi ni Mika. Yung ibang customers sa bar napapatingin na sa gawi namin. Yung mga kaibigan namin, hindi na rin nakagalaw. Nakatingin lang kami sa dalawa, pareho din kasi silang nakatayo kaya agaw pansin talaga.
"Let me explain, nag order lang ako ng maiinom, at--"
"At inentertain mo naman ang babaeng yun?" tinuro pa ni Mika ang babae na naiwan sa bar counter, nakatingin din sa kanilang dalawa na nakakunot noo pa.
Hinawakan ni Ara ang kamay ni Mika at iginiya siya paupo. "Kalma lang, love. Hindi natin to dapat pag-awayan.." kalmadong sabi ni Ara pagkaupo nila. Malapit lang kasi sila sa pwesto ko, kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.
"At hahayaan ko lang na makipaglandian ka sa ibang babae?"
"What? Hindi ako lumalandi. Mika, ayusin mo naman ang mga pinagiisip mo sakin!" halata na din ang pagkapikon sa boses ni Ara. Nagkakasalubong na ang kilay niya at binitawan na ang pagkahawak sa kamay ni Mika.
"Anong tawag mo dun? Sige nga!" challenge ni Mika sa kanya.
"Akala ko ba may tiwala ka sakin?" kumuha si Ara ng isang bote ng beer at kinalahati yun.
Hindi nakasagot si Mika. Kumuha din siya ng isang bote sa bucket at uminom.
"Ye, kauuwi lang natin kahapon, magaaway na naman ba tayo?" diretsong nakatingin lang si Ara sa kanya.
"Oo nga! Kauuwi lang natin at lumalandi ka na!" napatayo na si Mika at kinuha ang bag na dala niya.
"Bakit ka ba nagagalit diyan, Mika?!" napatingin kaming lahat kay ate Mela na halatang di na nakapagpigil at sumabat na. Hinawakan siya ni ate Kim sa magkabilang balikat niya na agad naman niyang inalis. "Hindi, Kimy eh... Bakit ka nga ba nagagalit kay Ara? Eh ikaw nga hinahayaan niya lang na gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Kahit ang ibig sabihin nun ay nagkukulang ka na sa kanya. Sa kanila ng anak niyo!"
Nagulat si Mika sa sumbat ni ate Mela. Maging sina Cienne at Camille mukhang hindi rin makapaniwala.
"Calm down, guys. Wag naman tayong gumawa ng eksena.." sabat na rin ni Sophie sa usapan. Tiningnan niya din ako ng masama. "Miks, baka pwedeng umupo ka muna."
"Ye," napabaling na rin kami kay Ara.
"Yun pala ang iniisip niyo sakin.." mahina ang boses ni Mika pero dahil sa tensyon, narinig naming lahat yun. "Sorry kung sinira ko ang gabi niyo. Wag kayong mag-alala, last na to." kinuha niya ang bag niya at walang pag aatubiling dumiretso palabas ng bar.
"Mela naman, bakit mo sinabi yun?"
"Vic, sundan mo naman si Mika."
"Uhm. Ako na lang kakausap kay Mika muna." sabat ko sa kanila. Gaya ng inaasahan ko, puro question mark ang mga tingin nila sakin. "Excuse me. Soph, mauna ka na lang din umuwi.." saka ako humalik sa pisngi niya.
Hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila at tuluyan na ding lumabas. Naabutan ko si Mika na nagaabang ng taxi at nagpupunas ng luha.
"Miks.."
Lumingon siya sakin pero muling ibinalik ang atensyon niya sa pag abang ng taxi.
"Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa loob.."
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...