Cienne's POV
"Sorry talaga, Yeye. As in super sorry!" naluluha na ako habang yakap yakap si Mika. Sobrang nakokonsensya kasi ako na pinag-isipan namin siya ng masama. Kinausap na kami ni Gayle, at grabe, parang isang buong gabi na yun na lang ang laman ng isip ko. Kasi kaibigan namin si Mika. Friends don't think bad about each other. Pero kami... pinagdudahan namin siya.
"I'm really sorry, Yeye."...."Ye, sorry..", magkasunod na sabi nina ate Kim at Mela.
"Guys, okay na talaga." bumitaw na si Mika sakin at naupo na kami ng maayos. "Kasalanan ko naman talaga, wala naman na talaga akong oras para sa kanila. Ang sama kong tao kasi mas inuuna ko pa ang trabaho kesa pamilya ko. Pati kayo hindi ko na nakikita or nakakamusta, sorry guys.."
Nandito kaming ngayong apat sa bahay nila ni Ara. Sinadya namin nina ate Kim at Mela na pumunta dito sa oras na nakaalis na si Ara. Kinausap kasi kami ni Gayle at Sophie tungkol sa dun sa pinaguusapan nila. Nakakakonsensya pa lalo, mabuti pa sina Gayle at Sophie, nagkalakas ng loob para i-confront si Mika about it. Tapos kami pa mismo, walang ginawa.
Aaminin ko, nakakapagod na din naman kasi minsan, but again, friends don't get tired of each other. Kasalanan din talaga namin na inunahan namin siya ng doubts. Ito tuloy ang nangyari. Pero kahit papaano nakakagaan ng loob. Total misunderstanding lang naman pala.
"No, Ye. We're sorry. Kung sana---"
"Wag na natin pag-usapan. Ang importante ngayon ay kung paano ko makakausap si Ara." putol ni Mika kay Mela. "Will you guys help me?"
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na tumango.
Actually, we were already expecting this. Na kuwento naman na din kasi ni Gayle sakin gabi yung tungkol sa plan niya, nila ni Mika.
"Ano pa ba ang maitutulong namin? Eh na plano niyo na din ni Gayle eh.." natatawang sabi ni ate Kim.
"Kailangan niyong madala si Ara dun."
"Eh panu yun Ye, may training pa kami mamaya?" kamot kamot ni ate Kim ang batok niya.
"Ako din may work pa." nagsad face naman si Mela.
"Kami na lang ni Cams, Ye." pagpresenta ko. Ang hopeless na kasi ng mukha niya. "Kaming bahala. Kami na din ang bahala muna kay Athena."
"Thank you.." nginitian ako ni Mika. Ito yung na mimiss ko sa babaeng to eh. Yung mga ngiti niya after makahingi ng tulong samin pagdating kay Ara.
Nakakamiss talaga si Mika. Ito yung naging kulang saming magkakaibigan these past few weeks eh. Siya yung kulang samin. Yung vibe na dinadala niya saming magbarkada. Buti na lang at nakapagusap na ulit kami ngayon. Na-clear na namin ang mga sama ng loob at issues namin sa isa't isa. Inamin naman namin na parang pumanig na nga kami kay Ara without even hearing her side. Pero ngayon okay na. Okay na kami.
Simpleng dinner lang naman silang dalawa mamaya. Eh date na din naman yun, ewan ko ba pero kinikilig pa rin ako dun sa dalawa. Iba talaga pag KaRa. Walang kupas, daming pinagdadaanan pero ayan, going strong pa din.
Sana after tonight... bumalik na ulit kaming lahat sa dati.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ara's POV
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Фанфик"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...