Ara's POV
Kinakabahan ako. Papasok ako ngayon sa loob. Alam ko naman ng si Mika ang may pakana nito. Ito na siguro yung sinasabi niyang babawi siya. At siguro din ito na talaga yung time na masinsinan kaming maguusap.
"This way, Maam.." nakakagulat naman tong crew nila, bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Ineexpect na siguro nila ang pagdating ko dito, di pa man ako nakapagtatanong eh pinasunod na ko eh.
Same spot sa unang pagpunta namin ni Mika dito, ay nakita ko siya. Nakaupo na siya at nakatingin lang sa Manila Bay. Nagcrocross sit siya at nilalaro ang mga daliri niya. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya kasi nakatalikod siya.
Pagkarating namin dito ay tinanguan ko na lang ang crew, signal na pwede na siyang umalis. Ilang minuto pang tumitig lang ako sa figure ni Mika. Para kasing hindi totoo na nandito siya ngayon, na siya ang gumawa ng move para magkasama kami ngayon.
Dahan dahan na kong umupo sa tapat niya. Napabalikwas siya ng upo nang mapansin niya ko.
"Akala ko hindi ka na dadating.." naluluha niyang sabi sabay nagsmile.
Ewan ko bat parang gusto ko ring maiyak. Sumikip ang dibdib ko at parang nagbabantang pumatak ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Kinidnap ako ng kambal.." seryoso kong sabi pero syempre nagbibiro lang ako.
Mahina siyang tumawa at umayos ng upo. "Thank you dahil pumunta ka."
"Bakit ba kasi tayo nandito ngayon?" pinipilit kong maging matigas kahit pa alam kong anytime bibigay din naman ako. Gusto ko lang ipakita kay Mika na hindi na ako yung laging maghahabol sa kanya. Minsan kailangan talagang gawin to eh, yung magmatigas, para malaman natin kung mageeffort ang taong mahal natin na paamuhin tayo.
Lumipat siya sa tabi ko at yumakap ng mahigpit. Nanigas ako. Literal na pagmamatigas pero yung pagmamatigas na dapat kong gawin bigla na lang naglaho, dahil napayakap na rin ako pabalik sa kanya.
"I'm sorry, baby.." mariin akong napapikit. Baby... namiss ko to. Na miss ko ang pagtawag niya ng baby sakin. Yung yakap niya. Yung warmth na binibigay niya sakin. Na miss ko siya. "Pwede bang hayaan mo akong mag-explain sayo?" dagdag niya pa pagkakalas niya sa yakap namin.
Sumandal ako sa railings para marap ko siya.
"Talk.." sabi ko.
"Uhm. Before that, pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako. Kanina pa ko naghihintay dito and God knows kung anong oras pa ko huling kumain. Kinakabahan kasi ako ngayon." ang bilis ng pagkakasabi niya. Nagpipigil tuloy ako ngayon ng tawa.
"Sige lang.."
Tinawag na ni Mika ang waiter para i-serve na ang mga pagkain namin. Di naman natagalan at dumating na.
Napapangiti ako habang tinititigan si Mika na kumain para kasing pinagutuman eh. Lakas! At ang bilis!
"Sharap talaga.." *Burp* "Oops. Hehe. Sorry.." Kinuha niya ang canned coke niya at uminom saka nagburp ulit. "Sorry. Gutom eh."
Naghalf smile lang ako at nagpatuloy sa pag kain. Iniisip ko ngayon kung ano ba ang mga sasabihin ko sa kanya. Kung kokomprontahin ko ba siya. Ewan ko talaga eh. Pero kasi itong simpleng effort lang ni Mika, parang nakakalimutan ko na lang lahat ng hinaing ko sa buhay eh. Naalala ko ang sinabi ko kay Athena kanina... na hindi totoo yung mga fairytale. Na walang happy ending.
Pero may happy ending kami ni Mika diba? Meron nga ba?
Napansin ko na lang na tapos na siyang kumain nung nasagi niya ang kamay ko nung inabot niya ang table napkin. Tinitigan ko lang siya habang pinupunasan niya ang bibig niya.
"Pwede na ba kong magsalita?" tanong niya sakin at tiningnan ang plato ko na kaka-kalahati ko pa lang. "Ay sige, tapusin mo na muna yan.", pagbawi niya.
"Hindi. Sige lang. Magsalita ka lang dyan. Makikinig ako." sabi ko naman. Ayokong maging sobrang emotional, nararamdaman ko kasing mahabahabang paliwanagan ang magaganap kaya pwedeng pangdistraction sa mga luha ko ang pagkain.
"Una, gusto ko lang talagang mag-sorry. Gusto kong malaman na sa buong tatlong linggo na hindi mo ko nakita, nag out of town kami para sa shoot sa isang narrative sports mag, tapos.."
"What's new?" nagulat siya sa pagputol ko sa kanya. Maging ako nagulat din. Iniisip ko lang dapat yon. Nasabi ko pala kaya paninindigan ko na lang. "Alam ko namang busy ka sa trabaho. Wala ka namang dapat i-explain tungkol dyan."
"Vic, hindi ko kasama si Jeron dun.", ewan ko pero ang defensive ng dating.
"Wala naman akong tinatanong tungkol sa kanya," sabay subo ng natitirang ulam sa plato ko.
"Alam kong pinagdududahan mo kami."
"May dapat ba kong pagdududahan?" napatingin na ko sa kanya. Medyo naiinis na kasi ako.
Napayuko siya at umiling. "Wala.."
"Kung ganun, sino pala ang tumatawag sayo tuwing madaling araw, Mika? Kung hindi pala si Jeron?" There, I said it! Hindi ko na rin talaga napigilan. Para akong nabunutan ng tinik. Kaso kinakabahan ako sa maaaring isagot niya. Ito na naman yung takot.
Tumawa siya. Lalo lang kumunot ang noo ko sa inis. "Si Ria kasi yun baby!"
Wtf?!
"Hindi nakakatawa ang biro. Sige magsinungaling ka pa sakin!"
"Totoo nga by, si Ria nga kasi. Nangangamusta lagi at alam mo naman sigurong nagkakaproblema sila ni Sophie." nakatawa niya pa rin sagot.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya napatigil siya sa pagtawa at nagseryoso na din. "Vic," hawak niya sa kamay ko. Hinayaan ko lang siya. "Hindi kita kayang lokohin, okay? Oo inaamin ko na may pagkukulang ako sayo bilang partner mo. Kay Athena bilang mommy niya. Pero hindi kita niloloko. Hindi ko kayang gawin yun. Babawi ako gaya ng pinangako ko sayo."
Tiningnan ko lang siya. Oo na, hindi ko siya kayang tiisin. Mahal na mahal ko si Mika para hindi paniwalaan ang mga sinasabi niya. Mahal na mahal ko siya at ang sama kong asawa para hindi siya pagkatiwalaan. Parang dapat ko pa ngang sisihin ang sarili ko dahil hindi ko siya tinanong about it. Umabot pa tuloy kami dito, umabot pa tuloy sa punto na pati mga kaibigan namin napagiisipan na rin siya ng masama.
"Hindi ka ba convinced?" nagpout pa siya, oo na ulit, konti na lang talaga yayakapin ko na to at lalambingin.
Nag-iwas na lang ako ng tingin pero hinawakan niya ang pisngi ko para mapaharap ulit ako sa kanya. Tsk. Ang lapit ng mukha niya, nakakatempt siyang halikan. Punuin ng halik ang buong mukha niya.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko?"
"Ano ba sa tingin mo ang makaka-save ng relationship natin, Mika?" balik tanong ko. Gusto ko lang marinig kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para bumalik ang lahat sa dati. Para bumalik kami sa dati.
Yumuko siya at nagpakawala ng buntong hininga bago ako muling tinitigan.
Then she answered me with the words I'd been waiting to hear from her for months, "I'll quit modeling.."
.
.
.
.
.
-------------------------------
Sorry sa typos and all. Hindi ko na binasa ulit eh. 10 chapters to go. :) Wag kayong mag-alala. Marami pang mangyayari sa last 10 chapters na yan. :)))
Hi pala sa Victor's Angels!! :))) Thank you, kung ano man ang surprise niyo sakin! I love you guys! Inom inom lang! :))
Hi Carmela Arellano. Hahahaha! :))) Thank you at dahan dahan sa pag inom diyan. Alalay sa atay! Hahaha.
Thank you din kay Sabienne and sa cellphone ni Jash! Thank you guys para sa fs ni Mika for me. :))))
Hi Carol Caabay! :))) Sa June mo pa mababasa to.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fiksi Penggemar"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...