Chapter 34

7.4K 158 15
                                    

Mika's POV

.

.

Anong oras kaya nakauwi si Ara kagabi? Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Sophie? Pag-uwi ko kasi hindi ko na siya nahintay at nakatulog na agad ako. Pero paggising ko naman ngayon, yakap niya sakin mula sa likod ang una kong naramdaman.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sa sobrang higpit nagising na siya, haha, okay sadya ko yun.

"Good morning, baby.." sabi ko at hinalikan siya sa lips.

"Morning.." sabi niya pero nakapikit pa rin. "Aga naman, Ye."

Kumalas na ko sa kanya at umayos ng higa, siya naman nakayakap pa rin sakin. Ang sarap lang ng feeling. Sana naman ma solo ko siya buong araw. Nasa Pampanga din kasi si Athena, siguro naman pwede kaming magdate ngayon.

"Anong oras ka umuwi kagabi?" tanong ko.

"Around 1 or 2 na ata?" di pa siya sigurado sa sagot niya. Inumaga na pala ng uwi. So ganun talaga ka tindi ang problema ni Sophie at kailangan pa silang umagahin?

Urgh. Bigla ko tuloy naisip si Jeron. Tsk. Hindi, erase erase.

"Ikaw? Hinatid ka ba dito ni Jeron?"

"Hindi. Nagtaxi ako pauwi." sagot ko.

Umayos na rin siya ng pagkahiga at nagkusot ng mata bago tumagilid at tumingin sakin. "Diba sabi ko, i-make sure niya namang safe kang uuwi? Bakit hindi ka niya hinatid?" may bakas ng pagkainis ang boses niya.

"Safe naman ako ah? Kaharap mo nga ako oh. Walang labis, walang kulang." bumangon na ako at pumatong sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Pagaawayan pa ba natin yan?" malambing ko pang sabi.

Tumawa lang siya at niyakap din ako at nagroll kami kaya ngayon siya naman ang nakapaibabaw sakin. "Date tayo?" at ang loka taas baba pa ang kilay.

Hinila ko na nga lang siya sa leeg at siniksik ang mukha niya sa leeg ko para hindi niya makita ang pagblush ko. Kainis! Hanggang ngayon, sa tinagal tagal ng pagsasama namin, ay kinikilig pa rin ako sa kanya. Hay.

"Daks, hindi na ko makahinga!" tapik niya sa braso ko. "Uy, bilis na, magdedate pa tayo!"

Urgh! Binitawan ko na nga saka tinulak pa gilid para makabangon na ko at patakbong pumasok sa banyo. Kainis talaga. Pulang pula na ang mukha ko, surely.

"Uy saan ka pupunta!" saka niya ko niyapos mula sa likod, ang bilis naman niya.

"Magtootoothbrush na po," hingang malalim, Mika.

"Sama tayo." naglakad na kami papasok sa banyo habang nakayapos pa rin siya sakin. Pagpasok namin ay una niyang kinuha ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Then yung sa kanya naman.

Sabay nga kaming nagsipilyo at pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kwarto at diretso sa kusina.

"Ye, pakicheck then i-lista mo yung mga dapat i-grocery natin mamaya, pakakainin ko lang si Kara sa labas."

"Oks!" nagthumbs up ako sa kanya at nagsimula ng tingnan ang mga pagkain sa cupboard.

Sakto namang pagpasok ulit ni Ara ay tapos na kong maglista. Naghugas lang siya ng kamay at lumapit sakin para tingnan ang listahan.

"Maya na tayo mag grocery bago umuwi." sabi niya at humalik sa pisngi ko at naupo sa stool. "Saan tayo mgabreakfast, love?"

"Dito na lang? O lalabas pa talaga tayo?" tanong ko. Pwede naman kasi kaming magluto na lang.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon