Chapter 11

16.7K 117 23
                                    

Ara's POV

Nagising ako sa biglang pagdantay ng kung sino man tong katabi ko ng paa niya sakin. Argh. Ano ba yan. Inaantok pa ko eh. Idagdag pang pinupulikat na ang braso ko. Buong gabi ata na nakaunan si Mika sa braso ko. Hindi na siguro kami nakapalit ng posisyon simula nang makatulog kami dahil siksikan kami dito sa kama ni ate Kim, buti na lang hindi kami sa sahig natulog kasama sina Cienne, mas malikot silang matulog eh.

Hinawi ko ang buhok ni Mika na nakatakip sa mga mata niya. Hinalikan ko siya sa noo. Kakayanin ko lahat para sayo Daks. I promise. Panghahawakan ko ang pangako mong kahit anong mangyari sakin ka babalik, samin ni Athena...

"Baka matunaw ako niyan baby.." ngumiti siya pero nakapikit pa ang mga mata niya. "Morning.."

"Morning, love.." bulong ko sa kanya, hindi ko naman itinapat ang bunganga ko sa ilong niya, hahaha, hindi pa kami nakapagtoothbrush eh.

"Nahiya ka pa sa amoy ng hininga mo.." nakatawa niyang sabi sabay takip din ng mouth niya. "Bangon na tayo?"

"Sige.." tipid kong sagot. Nahiya pa rin kasi ako eh. Hahaha. Salamat at bumangon na siya. Ang sakit na talaga ng braso ko.

Dumiretso kami ni Mika sa CR at sabay na nagtoothbrush. Pagkatapos nun ay bumaba na kami para naman makatulong maghanda ng breakfast sa Mama ni ate Kim.

"Good morning, Mommies!" bungad ni Athena samin pagkapasok sa kusina. "Late na kayo nag wake up! I can't go to school na!" saka siya namewang at nagpout pa. "Sabi pa naman ni Mommy Kim siya maghahatid sakin ngayon.."

Napakamot na lang ako ng ulo habang si Mika naman ay kinarga siya at pinaupo na sa dining table.

"Nasaan si Lola mo baby?" tanong ko sa bata nang matabihan ko na sila.

"Ay she's outside po, cooking breakfast.."

Tumango tango lang ako.

"Baby, nagbrush ka na ba ng teeth mo?" malambing na tanong ni Mika sa kanya at inamoy amoy pa ang buhok niya.

"Yes Mommy!" masigla niyang sagot. "Lola helped me."

"Very good.." pinat siya ni Mika sa ulo.

Maya maya pa ay nagsibabaan na rin ang iba. Kumain na kami ng breakfast at pagkatapos ay gumayak na kami para umuwi.

*

*

*

***********

*

*

*

"Vic, ngayon ko lang naalala, nung tumawag pala si--"

"Bakit?" putol ko sa sasabihin niya. Ayokong marinig ang pangalan na yun.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon