Chapter 18

14K 171 30
                                    

Ara's POV

"Hmmn.." ang mahinang pag-ungol ni Mika ang nagpagising sakin.

Kinapa ko ang tabi ko. Si Mika nga. Saka ko lang din naramdaman na nakayakap siya sa akin, sa amin ni Athena. Napapagitnaan nila kong dalawa.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Nandito pala kami sa room ng bata. Pagtingin ko naman sa bintana na may blinds ay napansin kong maliwanag na din sa labas, umaga na. Inabot ko ang lampshade sa side ni Athena at pinatay na yun. Pagbalik ko sa pwesto ko ay mas hinigpitan pa ni Mika ang pagyakap sakin.

Bakit ganun? Bakit hindi ko maramdaman na may iba siya? Bakit hindi ko maramdaman na hindi niya na ko mahal? Kasi sa mga ganitong oras, feeling ko ako lang. Walang iba. Feeling ko mahal na mahal niya ko.

Bakit ganun? 3 nights ago, napaiyak pa ko sa harap mismo ng anak namin dahil sa sakit na naramdaman ko. Yung sakit na dulot ng pagdududa ko. Then kinaumagahan, ganito din ang bumungad sakin. This exact same position. This exact same feeling.

Na parang walang nangyari. Parang wala akong narinig. Na parang wala akong dapat pagdudahan.

Hindi ko din maintindihan. Siguro ako lang talaga to.

.

.

Saturday pala ngayon. Maraming dapat gawin sa grill kaya bumangon na lang din ako. Maingat akong umalis sa pagkakayakap ni Mika sakin. Dumiretso ako sa kwarto namin saka pumasok sa banyo, naghilamos at nagtoothbrush.

Paglabas ko ng banyo niligpit ko muna ang kumakalat na mga gamit ni Mika. Her bag, her cardigan, her shoes. Hay. She must be too tired when she got home last night.

Pagkabukas ko ng cabinet para sana kumuha ng hanger na sasampayan ng cardigan niya ay nakita ko ang phone niya.

Gusto ko sanang silipin at tingnan ang nilalaman ng inbox, logs, at kung ano pa. Sobrang tempting. Pero hindi. Hindi ko pakikialaman to. Kung gagalawin ko ang phone niya, magmumukha akong walang tiwala sa kanya.

May tiwala ako sa kanya. Yan na ang itinatak ko sa isip ko. Nagdududa ako, but I trust her. I completely trust her.

I shook the thought of her cheating on me away and just got the hanger. Yun lang naman ang gagawin ko why I opened the cabinet eh. To get a goddamn hanger!

Nagpatuloy na ko sa pagligpit at pag-ayos ng kama. Pagkatapos ko ay lumabas na ko papunta sa kitchen para magluto ng breakfast namin.

Habang nagluluto ako ay narinig ko ng may lumabas mula sa kwarto ni Athena.

"Good morning, Mommy Ara.." bati ni Athena sakin habang kinakarga siya ni Mika.

"Morning, baby." kinuha ko siya mula kay Mika at kinarga din at nagpatuloy sa pagluto.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon