Ara's POV
"Maam Vic?" katok ng isa sa mga crew namin sa pinto ng office.
"O?" di na ko nag abala pang tumayo at pagbuksan siya, marami kasi akong ginagawa sa laptop ko.
"Nandito na po sina Maam Cienne." shoot. Napatingin ako sa oras sa relo ko. Alas sais na din pala. Ang bilis lang ng oras. Di ko na namalayan.
Sinave ko na ang mga ginagawa ko. Nagpagpag na din ako ng shirt ko bago lumabas ng office.
"Mommy Ara!" tumakbo na papunta sakin si Athena pagkakita niya sakin.
Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Ano to, baby?" tanong ko pagkakita ko sa supot na National Bookstore na bitbit niya.
"Ahmm, Mommy Ara.." may bahid ng pag-aalinlangan ang boses.
"Ah. Vic, binilhan namin siya ni Cienne ng tig-isang coloring book. Natatakot yan na baka magalit ka kasi dalawa ang binili namin." sabi yun ni Camille pagkaupo namin ni Athena sa mesa nila.
"Okay lang baby." sabi ko.
"You're not mad, Mommy Ara?" inoncence and relief all over Athena's face.
"Nope.." maikli kong sagot at muli siyang niyapos. "Have you eaten na ba?"
"Yes Mommy.."
"Vic, pwede ba tayong mag-usap?" seryoso ang mukha ni Cienne. Feeling ko tuloy may atraso na naman ako sa kanila.
Tiningnan ko lang sila ni Camille. Nakakapangilabot ang itsura nitong kambal pag seryoso eh. "Wait lang.." mouth ko sa kanila. "Baby, gusto mo na bang simulan i-color yang coloring books mo?" baling ko naman kay Athena.
"Yes Mommy!" masigla niyang sagot.
"Samahan na lang kita baby. Tara?" hay. Salamat, Gayle. "Dun tayo sa office ni Mommy Ara.." dagdag pa niya.
Tumango lang si Athena at sumama na kay Gayle papuntang office namin ni Sophie.
Nang tuluyan na silang makapasok ay umorder na muna si Cienne ng smoothies para sa aming tatlo nina Camille.
"Ano yun?" inunahan ko na pag-alis ng waiter.
"May problema ka ba?" straight forward na tanong ni Cams. Nakakapanibago. Usually kasi hindi naman to nagtatanong talaga sakin kung may problema ako. Maghihintay lang yan siya na ako ang maunang mag open up sa kanya.
"Aside sa busy ngayon dito sa grill? Wala naman..."
Sa totoo lang. Ayoko talagang isipin na may problema ako. Kasi kung yun ang itatatak ko sa isip ko. Baka anytime magbreak down na lang ako.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...