3 weeks later - Saturday
Ara's POV
"Mommy Ara, I don't want to go!"
"Baby, magagalit sayo si Teacher Ann, gusto mo ba yun?"
"Pero Mommy Ara, it's a family day!" she crossed her arms and pouted her lips.
"Baby, family naman tayo ah?" akbay ko sa kanya, nakaupo kami dito ngayon sa sala at katatapos lang namin magbreakfast.
"We're not a family without Mommy Ye! I'm shy, it's only the two of us!"
"Wait baby... Let me make a call. Finish your milk muna.."
Iniwan ko muna siya at kinuha ang phone ko. Masama ang loob ko kay Mika, it's Athena's first family day at her school, at wala na naman siya. But I understand that she has work, my photoshoot siya sa 1st magazine na ife-feauture siya.
"Hello Cienne?"
"Oh Vic? Ang aga aga napatawag ka?"
"Eh kasi guys, I really need your help!"
"Ano ba yan?"
"Si Athena... Family day nila ngayon sa school, ayaw niyang pumunta na dalawa lang kami, nahihiya daw siya."
"Bakit? Nasaan ba si Mika? Hay nako. Teka... Gayle, punta tayo sa family day ni Athena?" kinausap pa muna si Gayle. "Oh go na Vic! Anong oras ba yun?"
"In an hour.."
"Okay. Hintayin mo na lang kami diyan. Bye!"
"Thank --" uhh. Binaba na niya ang phone.
Binalikan ko na si Athena at naabutang naglalaro sa ipad niya. "Baby, si Mommy Cienne at Mommy Gayle na lang muna ang aattend para kay Mommy Ye, okay lang?"
Inisantabi niya muna ang tab at bigla niya akong niyakap. "Talaga Mommy? Pupunta sila? Yehey! Four na tayo!"
"Yes, baby! Wala namang work si Mommy Gayle ngayon kasi Saturday. Oh, sige na, magbihis na tayo at ayusin na natin ang mga dadalhin mo!"
Tumango siya at hinatak na ko papasok ng kwarto.
***********************************
"Buti hindi tayo na late! Ang tagal niyong mag-ayos!" Sabi ko kay Cienne pagkadating namin dito sa school ni Athena.
"On the spot ka kasi tumawag!"
Inihatid ko lang ang bata sa teacher niya at sa kinaroroonan ng mga classmates niya saka bumalik na sa table nila Cienne.
"Wow! Mag-iintermission sila Athena, Vic oh!" turo niya sa mga bata na umakyat na sa stage. "Dali, babe, i-video mo!"
Hindi na mention sakin ni Athena na sasayaw sila dahil surprise pala ito para sa parents. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Hindi na naman ito makikita ni Mika, wala siya sa 1st showcase dance ng anak namin.
"Grabe Ara! Ang galing sumayaw ng baby natin!" komento ni Gayle habang vine-video ang sayaw nila.
Napatayo at napangiti ako at sobrang proud ako na magaling ang anak ko. Gustong kong sumigaw na, 'anak ko yan!' Haha! Pero nakakahiya naman sa ibang mga magulang na nandito. Natapos na ang dance number nila at lahat kami ay nagpalakpakan na.
"Go Athena!" sabay na sigaw namin ni Cienne. Nag wave lang siya samin at masayang pinuntahan kami sa table namin.
Pinunasan ko ang pawis niya sa mukha at likod saka pinainom siya ng tubig. "Ang galing galing mo baby.." puri ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Hayran Kurgu"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...