Chapter 15

15.6K 152 15
                                    

Jessey's POV

"What are you doing here?"

"Bf!" tumayo ako at niyakap siya. Miss na miss ko naman talaga tong bf ko eh.

At hindi ko alam kung bakit parang nag-aalinlangan siyang yumakap sakin pabalik. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ulit pagkalas namin sa pagkakayakap.

Naupo na kami pareho at si Athena naman kumandong na kay Ara. Kinain ko na yung natitira kong cake.

"Itong si Ara kasi eh, ipapa-renovate daw itong grill, ako daw yung kukunin na architect para maka libre.." natatawa kong saad.

"Naman! Ikaw lang naman ang kaibigan naming architect eh.." si Ara pagkatapos niyang lumagok sa iced tea niya.

Tumango tango lang naman si Mika. She doesn't look convinced. Alam ko na ang nasaisip nito. At gusto kong ibahin ang nasaisip niya. Kinwento sakin ni Ara na nag-away daw sila dahil pinagseselosan ako ni Mika. Wala naman siyang dapat ipagselos. Wala na yung kay Ara dati. Wala na talaga. Ilang taon na din akong nakapag-move on. Pero siyempre hindi naman alam ni Ara ang tungkol dun.

"Uy, Ara!" sabi ko. "Hiramin ko naman si Mika mamaya oh.."

"Saan mo naman siya dadalhin?" sagot ni Ara habang sinusubuan si Athena ng cake.

"Catch up lang.."

"Uhmm, oo nga naman, Vic. May mga dapat din kaming pagusapan nitong bf ko eh.." sabi naman ni Mika na pinupunasan ang nagkalat na cake sa bibig ni Athena.

Ang cute nilang tatlo. They'd make up a happy family, i know. Nakakaramdam ako ng konting inggit, hindi dahil masaya sila, kundi dahil na hanap nila ang comfort sa isa't isa. Bagay na hanggang ngayon hinahanap ko pa. Masaya ako para kina Mika and Ara, after everything, sila pa rin pala ang magkakatuluyan.

I was there nung mga panahong nagrereklamo na si Mika kung gaano na siya kapagod at nasasakal sa relasyon nila ni Ara. I was there too nung mga panahong iniwan na niya si Ara, kung paano si Ara naglalasing gabi-gabi. Kung paano siya umiyak sa halos lahat ng oras tuwing naaalala niya si Mika. Hay..

"Okay ka lang?" pinitik ni Mika ang kamao ko, mahina lang naman, enough lang para magising ang diwa ko.

"Ha? Oo, may naalala lang ako.." nagsmile lang ako kay Mika.

.

.

.

Nandito kami ngayon sa isang bar sa Eastwood. One on one shout daw. Ewan ko nga din dito kay Mika eh, parang may bumabagabag sa kanya..

"Bf, kamusta ka na?" sabi ni Mika saka ni-shot ang laman ng shot glass niya.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon