Ara's POV
Yung tipong inis na inis ka sa babaeng mahal mo kasi hindi niya magawa ang mga bagay na ineexpect mo mula sa kanya. Simpleng bagay na nga lang, presence niya lang, wala pa!
"Ano bang problema mo!" hinatak ako ni Mika paharap sa kanya.
"Ikaw, ikaw ang problema ko!" sigaw ko pa balik sa kanya.
"Sinabi ko naman sayo diba? May shoot kami! Hindi ako pwedeng umabsent dahil sa susunod na araw na ang deadline nun!"
"Sana hindi ka nangako sa anak mo!"
"You made me promise her kahit pa alam mong hindi ko pa alam ang schedule ko sa araw na to!!" naiiyak na si Mika, hindi ko alam kung sa inis o sa galit o sa guilt.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga taong papasok sa grill, nandito pa rin kami sa parking lot at bakas pa rin ng pagka-shock ang itsura nina Ria, Sophie, at ate Kim. First time nila kaming makita ni Mika na mag away ng ganito. Yung sigawan talaga.
"But still dapat hindi ka nagpromise!!"
"May choice ba ako?" lumapit na siya sakin, mariin pa rin ang pagkakasabi niya ng mga katagang yun pero kumalma na siya ng konti.
"Oo! At pinili mong paasahin siya! Ni tawag at magsorry sa kanya, wala! O kahit text na lang!"
"Kaya mas pinili mong si Jessey ang pumunta?" nakita kong pumatak na ang mga luha ni Mika na kanina niya pa pinipigilan. Hinawakan siya ni Sophie sa magkabilang balikat.
"Paano mo nalaman?" oo nga paano niya nalaman?
"Bakit, Vic?" napasapo na siya sa mukha niya. "Hindi ko ba dapat malaman?"
"Nagtatanong ako, nagtatanong!" imbes na bawiin ko ang tanong ko ay mas lalo lang akong napasigaw. "Yan ang problema sayo, Mika! Lahat binibigyan mo ng malisya! Lahat binibigyan mo ng meaning! Oo, ikaw na ang walang tiwala sakin!"
"Masisisi mo ba ko?" napahikbi na siya at sabay na nilapitan nina ate Kim at Ria. "At bakit? Sino ba satin ang naglalagay ng malisya sa mga bagay na wala naman? Pati kasama ko sa trabaho na mamalisyahan na!"
Hindi ako nakasagot. Ito ang bagay na ayaw kong marinig mula sa kanya.
"At least yung pagduda ko, may katuturan! Eh yung sayo? Meron ba? Ganun ba ang tingin mo sakin? Na magagawa kong makipaglandian sa mga kasamahan ko at work?!" dagdag niya pa.
"Ikaw ang nagsabi niyan!" bulyaw ko sa kanya. Nakakapikon na to ng sobra! Sorry, pero hindi ako madadala sa mga iyak iyak niyang ganyan! "Wag kang iiyak sa harap ko kapag ganyan lang din ang sasabihin mo sakin! Kasalanan na pala ang magselos ngayon!" inagaw ko nga ang yosi ni Sophie at nagsip, nakaka gago na talaga eh.
"Putang ina, oo! Kaya kasalanan ko din pala kung nagseselos ako kay Jessey!"
"What?!" natigilan ako at napatingin sa kanya. "Sa dinami dami ng babaeng pagseselosan mo, si Jessey pa! Anong klaseng pagiisip yan Mika! Si Jessey yun! Bestfriend mo! Bestfriend mo na nandun kanina dahil wala ka!"
I know I may have crossed the line at alam kong nakakasakit na ang mga sinasabi ko kay Mika. Pero wala, nasabi ko na, paninindigan ko na to. Sobrang napipikon na ko!
"Hindi mo kailangang ipamukha yan sakin, Ara! Oo! Siya na! Siya na ang nandun kanina! Siya na ang laging nandyan kapag wala ako! Diba? Diba?!" lalo pa siyang umiyak at napaupo na sa plant box kung saan ako nakaupo kanina.
Gustong gusto ko na siyang lapitan at mag sorry sa kanya. Gusto kong ako ang nagcocomfort sa kanya ngayon at hindi ang mga kaibigan namin. Pero hindi, dapat maintindihan niya na mali ang ginawa niya, na mali ang iniisip niya tungkol samin ni Jessey.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...