3 year later
Ara's POV
"Hi Jess, Hi Ri!" sigaw ni Mika sa bitbit niyang laptop. Kakalabas lang niya mula sa office ko dito sa grill, papunta siya sa taas kasi nandun na ang bullies sa VIP.
"Nasan na sila? Si Ara nasaan?" rinig kong tanong ni Jessey.
"Andun sa counter oh," ngumuso si Mika sa gawi ko at pinaharap sakin ang laptop.
"Hi!" kumaway ako sa kanila ni Ri. Magkasama silang dalawa ngayon, rinig ko day off nila pareho.
PInaharap na ni Mika sa kanya ulit ang laptop, "Sunod ka na lang sa taas baby. Hinahanap na to nina ate Kim eh."
Nagthumbs up lang ako at hinayaan ng umakyat sa Mika sa taas.
Pumasok na ko sa kitchen para magpahanda ng pagkain para samin. Ngayon lang naman kami nakumpleto ulit dahil marami na kaming ginagawa sa kani-kaniya naming buhay.
Sumunod na rin ako sa taas, nadatnan kong kausap nina ate Kim at Mela ang dalawa sa skype. Tumabi na ako kay Mika na inaaliw ang anak nina Jeron at Soph.
A year after Jeron and Soph got married, Soph gave birth to a baby boy. Syempre junior agad ni Jeron. Syempre ninang kaming lahat. Natatawa nga lang akong isipin kasi halos puro ninang lang, tatlo lang ata ang ninong. Hahaha. But kidding aside, masaya ako para sa kanila. Mahal na mahal ni Jeron si Sophie, walang duda. Pinatigil niya ito sa pagtatrabaho at pinagfocus na lang sa anak nila. Si Jeron naman, hindi na bumalik sa pagiging model. Instead, nagtrabaho na lang siya sa company na ang pamilya niya naman ang nagmamay-ari. On their first wedding anniversary, a week after nanganak si Soph, ay nakakuha ng bahay at lupa si Jeron dun sa subdivision din namin. Kaya magkakapitbahay na kami ngayon.
"Hay na ko Camille, dati ako ang sinusuway mong ganyan, ngayon talo niyo pa kami ni Gayle sa pagpPDA!" napatingin ako kay Cienne na nakabusangot kay Camille.
Kasama ni Camille ang girlfriend niya ngayon. Actually, kasama niya ito sa lahat ng lakad niya! Yung kaibigan ni Soph na si Kish, naaalala ko pa, inangasan ko to dati nung nagkakilala kami sa isang all girls party na pinagdalhan ni Soph samin dahil akala ko type niya si Mika. At nung time na yun, may something pa kami ni Soph nun kaso pinakilala nito na si ate Kim ang date niya. Wrong impression lang pala ko sa kanya. Mabait siya at sobrang loyal at faithful kay Camille. In fact, tumigil na ito sa mga bisyo niya simula nung magkakilala silang dalawa sa Bacolod dun sa bar na si Sophie ang nagmamay-ari. 1 year siyang nanligaw kay Camille, akala nga namin nung una, wala na siyang pag-asa, wala kasing kinukwento si Camille samin. Masyado lang talagang matiyaga at consistent kaya ayun, napalambot niya din ang pusong bato ng kaibigan namin. Nagulat pa nga kami na napapayag niya si Camille na dun na tumira sa condo niya eh.
"Akin na nga yan si Junjun!" napatingin ako kay Cienne na kinukuha ang bata mula sa pagkakandong kay Mika.
"Cienne!!" bulyaw ni Sophie sa kanya.
"What?"
"Sabi ng Alvin eh. ALVIN!"
Natawa na lang kami. Ayaw na ayaw kasi ni Soph na tinatawag ang anak nila na Junjun. Ang pangit daw kasi.
"Oo na, hahaha!" saka pinaupo ni Cienne ang bata sa mesa at inaliw. "Junjun, baby, magpakabait ka paglaki mo ah," Lakas pa rin talaga mambully ni Cienne. Hindi na siguro magbabago to. Bilib nga kami kay Gayle kung paano niya nagagawang tiising itong kadaldalan ni Cienne.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...