5 months later..............................................
.
.
.
.
Ara's POV
"Vic.. Jessica pala will have a chemo session this Friday. Nasabi mo na ba kay Sophie ang tungkol dito? Di ko kasi siya ma contact at hindi din naman ako makaalis dito sa office. Madami pa akong papers na ipa-process..." si Cienne yan na sobrang bilis magsalita, akala mo hinahabol ng aso.
Yup. 1 month na rin simula nang mabuo namin ang foundation para sa mga babaeng may Leukemia. Dahil lang ito sa pag iyak iyak ni Cienne sa MMK. Sa combined efforts naming magkakaibigan ay nabuo namin ito. At masaya kaming nakakatulong kami sa ibang tao.
"Nasabi ko na, i-remind ko na lang ulit mamaya pagdating sa grill. I'll hang up na ah? Nagda-drive ako. I'll make Sophie call you later.."
"Okay. Mag ingat please ha? See you soon. I mean bukas, bibisita kami bi Cams sa grill. Bye.."
Binalik ko na sa dashboard ang phone ko at nagpatuloy na sa pagdrive.
5 months na rin ang nakakaraan. At andami na naming na accomplish na magkakaibigan in a short period of time.
Si Jessey, nakabalik na siya sa Canada the day after natapos ang pag renovate sa grill. Nakakausap namin siya via skype from time to time kasi siyempre part din naman siya ng decision making sa foundation, her opinion matters din. Masaya akong nagkausap na din sila ni Mika. Masaya akong na clear na nila ang issues between saming tatlo dati..
Itong foundation, well, ito na ang kinabibusyhan ni Cienne ngayon. Super hands on siya dito gawa ng sobrang affected talaga siya sa pinanuod niya. Masaya din kami para kay Cienne, masaya kaming nakikita siyang finally ay may pinagkakaabalahan na rin. Hindi yung ang nakakapag paabala lang sa kanya ay ang alagaan at protektahan kami. Hindi naman sa bad thing yon, pero syempre, may sarili na din siyang buhay.
Oo, busy na kaming lahat, ako busy sa pagpapalaki sa anak namin. Si Mika? Ayun busy sa trabaho niya. Kung anong busy ni Mika sa trabaho niya dati, mas lalo pa siyang naging busy ngayon. A few times naisipan kong kumbinsihin siyang i-quit na ang trabaho niya. But no, hindi ako ganun ka selfish para ipagkait itong dream niya sa kanya.
Nawawalan na siya ng oras para samin ng bata. In fact, wala na talaga siyang oras para samin. Pero may tiwala ako sa kanya. At pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niyang sa amin siya babalik, sa akin. Kahit papaano, natutupad naman niya ito. Kahit anong gabi na, kahit nga minsan mag uumaga na, umuuwi pa rin siya. Bagay na malaking ipinagpapasalamat ko. Kasi kahit sa ganitong act lang, alam kong mahalaga pa rin naman kami sa kanya. Na mahalaga pa rin ang ipinangako niya sakin.
Baka nagtataka kayo kung bakit ganito ako magsalita ng tungkol kay Mika. Hindi naman ako bitter, in fact masaya ako para sa kanya. I mean, at least, pinipilit kong maging masaya para sa kanya. Para sa mga bagay na mas matimbang sa kanya...
Masaya ako. Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ko naiisip ang mga to. Hindi na kasi ako sigurado... hindi ko alam kung gaya pa din kami ni Mika ng dati.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...