Chapter 23

12.3K 182 26
                                    

"Baby.." niyakap ako ni Mika mula sa likod. "Gusto ko lang sana magsorry sayo.."

Napapikit ako sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry? Pero ramdam ko ang sincerity sa mga yakap niya. Sa mga paghalik niya sa batok ko.

Hinarap ko siya at tinitigan. Nakayakap pa rin ang mga braso niya sa bewang ko. "Bakit ka nagsosorry?" seryoso kong sabi.

"Kasi lagi akong busy. Kasi wala na akong time para sayo.. sa inyo ni Athena. I'm sorry, Vic.." kita ko sa mga mata niya ang lungkot, ang pananabik.

Di ko alam ang sasabihin ko. Parang walang salitang gustong lumabas mula sa mga bibig ko. Napaisip ako sa sinabi ni Cienne. What if mali naman talaga lahat ng hinala ko? At ako lang talaga tong paranoid? Thinkers are doers nga siguro.

"I love you, baby.." muli niyang bulong. "Ikaw lang talaga."

"I love you too.." hinalikan ko siya ng magaan sa lips. "Wag mo nang isipin ang mga yun. Sleep na tayo. Maaga pa tayong aalis mamaya."

Ngumiti lang siya. "Sorry talaga."

"Sshh." siniksik ko ang ulo niya sa leeg ko. "Tulog na tayo.."

"Goodnight, Vic. I promise, I'll make it up to you.." pahayag niya.

Aasahan ko yan. Gusto kong sabihin, pero hindi ko nasabi. "Goodnight," yan na lang nasabi ko.

.

.

.

Maaga kaming nagising ni Mika, 3am to be exact para mag last minute impake ng mga dadalhin namin. Pagkatapos naming gumayak ay sinundo na din nina Cienne and Gayle dito sa bahay si Athena. Na explain na din naman namin ni Mika kagabi sa bata na kailangan muna namin mag usap ng maayos ni Mika, yung kaming dalawa lang. Naintindihan naman niya at masaya naman siya na dun muna siya kina Mommy Cienne niya.

Halos limang oras na kaming nagbi-biyahe ni Mika ngayon. Kahit na antok pa siya, pinipilit naman niyang wag matulog para kausapin ako at hindi din ako antukin.

"By, gutom na talaga ko.." himas niya sa tiyan niya.

"May boiled egg pa dyan sa bag eh."

"O?" parang ayaw pa maniwala na meron nga.

Binuksan niya na ang bag at hinanap ang boiled egg. "Nakalagay sa tupperware, Ye."

Pagkakita niya sa tupperware ay agad niya tong nilabas at nagbalat ng itlog.

"Vic, oh. Ahh." subo niya sakin.

Kumagat lang ako ng maliit sa egg. Pinunasan niya ang gilid ng bibig ko at nagsimula na ring kumain.

Nagusap lang kami ng mga gagawin naming activities pagdating dun, halata naman ang excitement sa boses niya pero hindi maikakaila na mas excited talaga ko.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon