Chapter 8

17K 102 3
                                    

Cienne's POV

"Uhm. Okay.. Paalis na rin kami in a while. Wait mo na lang kami."

"Thanks Cienney.."

"Anytime, Yeye! Bye.." At naghang up na rin siya.

Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa center table at inilagay sa loob ang phone ko.

"Babe! Pakibilisan!" sigaw ko kay Gayle na nasa kwarto pa namin. "Makiki-hitch si Yeye.."

"Nandito na, tapos na.."

"Good. Tara na.."

Lumabas na kami ng bahay at lumulan na sa kotse. Nagfasten na ako ng seatbelt at nagsimula na si Gayle magdrive.

"Bakit di nagkasabay sina Ara at Mika?" tanong ni Gayle nang tumigil na kami sa labas ng bahay nila. Naghonk siya ng dalawang beses at bumaling ulit sakin.

"Maaga kasi umalis si Ara kasi may meeting daw ata ang parents sa school ni Athena.."

"Okay.."

Maya maya pa ay lumabas na rin si Mika at sumakay na din sa kotse.

"Good morning.." bati niya samin pagkaupo niya sa likod. "Thanks pala! Tinatamad na kasi ako magdala ng kotse eh. Saka baka mamaya din sasabay naman ako pauwi kay Ara.."

Nagthumbs naman si Gayle sa kanya.

"Good morning din Yeye." ganting bati ko. "It's okay. On the way na rin naman sa clinic ni Gayle ang agency niyo eh.."

"Oo nga eh. Saan pala lakad mo Ciennang?" sabi niya hambang naglalagay ng konting lipstick.

"Diretso sa grill ni Ara as usual. Lahat kaya kayo lagi na lang busy.."

"Maghanap ka kasi ng trabaho."

"Ayaw ni Gayle eh. Diba babe?"

"Hindi mo naman kasi talaga kailangang magtrabaho. Unlike kina Mika at Ara na may anak na kaya dapat doble kayod. Diba Miks?" sagot naman ni Gayle na tiningnan pa si Mika mula sa rearview mirror.

"Ha? Ah.. Oo.."

Tumahimik na ko. Hindi na rin nagsalita pa si Mika. Ang totoo niyan, ineexpect ko na kanina pa na tatawag si Mika na makikihitch kasi ininform na ko ni Ara na baka daw tumawag siya. Pumayag naman agad ako, you know, magsstalk. Baka sakaling makita ko ang lalaking yun dun sa agency nila.

Hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay nila. Pero alam niyo yun, ako lagi ang nakakasaki ng lahat. So might as well stand for it. Haha! Joke lang naman. Pero kasi, sabi nga ni Ara, hindi naman siya gusto ni Mika, so mayeb, siya naman talaga ang may gusto pa rin kay Mika. And I'm here to find things out.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon