Mika's POV
.
.
Kararating pa lang namin dito sa grill. Hindi naman gaano ang tao kaya agad na napansin namin ni Ara si Sophie na nasa isang sulok, umiinom. Walang pinipiling panahon din pala ang trip ng babaeng to ah, ang init init kaya, bat naman to mag-iinom? Oh my, muntik ko ng makalimutan, nagkakalabuan pala sila ni Ri ngayon! Hay. Si Ri naman kasi eh.. Siya naman talaga ang may kasalanan pero syempre hindi ko naman pwedeng awayin yun.
Lumapit na kami ni Ara kay Sophie.
"Hoy may problema ka ba?" sita ni Ara sa kanya at inagaw pa nito ang baso na hawak hawak ni Soph.
At pareho kaming nagulat nang pag-angat niya ng tingin sa amin ay maputlang maputla siya, namamaga ang mata at ang laki ng eye bags. Siguro nga si Ria talaga ang dahilan.
"Uy Soph, anyare sayo?" tanong ko sa kanya pagkaupo pa lang namin ni Ara sa harap niya.
"Wala to. Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi." tipid siyang ngumiti samin. Nakakapanibago, yung nagdadahilan si Sophie. Lagi kasi siyang prangka at nagsasabi talaga ng nararamdaman at iniisip niya. Naisip ko din, baka ayaw niyang mag open up kasi nga bestfriend ko si Ri.
Kung wala na nga sila ni Riri, ang ibig sabihin pwede ko ng...
Urgh. Nagvibrate na ang phone ko sa kamay ko. Pagtingin ko si Jeff yung tumatawag, napaaga ata ang break niya sa agency.
"Ah, excuse lang guys, sagutin ko lang to." pinakita ko kay Ara ang phone ko, "Wait lang Vic ah, ito yung imi-meet ko eh, mukhang napaaga.."
Lumayo muna ako sa kanila para sagutin ang call ni Jeff.
"Hello baks?"
"Miks! Nag early out ako," masigla niyang sabi sa kabilang line. "Dala mo na ba yung mga kakailanganin ko?"
"Yup. Nandito na sakin. Saan ba kita pwedeng i-meet?"
"Okay lang ba sayo kung dito na lang sa Starbucks malapit sa agency? Saka para na rin makapagchika muna tayo.."
"Sige." sagot ko. "Bigyan mo ko ng mga 20 mins. See you, baks!"
Binaba ko na ang phone at bumalik na kina Ara para magpaalam.
"..nung naghiwalay pa tayo nun, ngayon umiinom lang ako, hindi naglalasing."
Napatitig ako kay Sophie sa sinabi niya. Hindi ko naman alam na napaguusapan pa pala nila ni Ara ang tungkol sa kanila dati. Hindi naman ako nagseselos, pero hindi ko lang inexpect na ganun pala sila ka open sa isa't isa. Siguro nga sobrang malapit na talaga sila sa isa't isa. May tiwala ako kay Ara. Hindi naman na niya sigur uulitin ang ginawa niya dati.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Lalim naman nun, Soph." tumawa ako ng mahina at napailing. Ayoko rin naman kasing ma-ilang si Sophie at hindi naman ako against sa sinabi niya. Minsan lang talaga hindi ko lang din maiwasan na ibalik kay Ara yung dati. Minsan nararamdaman ko pa yung sakit, pero wala na talaga sakin. "Vic, alis na ko.."
"Ngayon na?"
"Yup. Usap na lang muna kayo dito. Text mo na lang ako mamaya kung aalis ka, susunod ako." sabi ko habang nilalagay sa bag ko ang phone ko.
"Hatid na kita," tumayo na si Ara at umakbay sakin. "excuse lang, Soph.."
Nagthumbs up lang si Sophie samin. Nagpaalam na rin ako sa mga crew at naglakad na kami ni Ara palabas. Okay naman sana na ihatid niya ko, sa agency lang naman kasi pero tingin ko kailangan ni Sophie ng makakausap. Based naman sa narinig ko kanina, mukhang mas comfortable siya kung si Ara lang ang kaharap niya.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fiksi Penggemar"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...