Author's POV
.
.
"Je, kamusta naman yung preparation para sa kasal niyo?" tanong ni Ara kay Jeron. Kanina pa kasi ito tahimik at parang nagiisip kaya si Ara na ang nagstart ng conversation.
"Okay naman, Ara. Settled na lahat. Yung bride ko na lang ang kulang," saka siya tumingin sa direksyon kung saan naguusap sina Mika at Sophie. "Sorry, Ara." yumuko si Jeron pagkasabi niya nun.
"Okay lang Je. Naiintindihan ko naman. Ang importante lang naman sakin eh yung magkakaoras pa rin si Mika kay Athena," napatingin na din si Ara sa gawi ng dalawa. "Mahal ko ang babaeng yan, Jeron. Wag mo sana ipadanas sa kanya ang mga pinagdaanan niya sakin."
"I promise you, Ara. Hinding hindi," sagot naman ni Jeron at ini-offer ang kamay niya kay Ara. "Hindi ko sisirain ang pangakong yan."
"Wag kang mangako sakin. Sa kanya mo sabihin at ipakita yan," tipid lang na ngumiti si Ara at umayos na sa pagkakaupo pero nakatingin pa rin sa gawi ng dalawa. Nagtatawanan lang ang mga to habang may tinitingnang mga folder.
"How's Sophie doing naman pala? Ano naman ang ginagawa niyo pag nandito lang kayo?" kunot noong tanong ni Jeron.
"As usual nagbabangayan lagi. Nag-gygym para pumayat pero kain naman ng kain." natatawang sagot ni Ara. "Alam mo naman yang si Sophie, Je. Tamad." dagdag na komento pa niya.
Napakamot na lang ng ulo si Jeron at natawa. Maya maya pa ay tinawag na siya ni Mika, "Je! Halika dito bilis. May papakita ako."
Agad namang nag excuse si Jeron kay Ara at pinuntahan ang dalawa. Napahinga na lang ng malalim si Ara at sinundan ng tingin si Jeron hanggang nakalapit na ito sa dalawa.
Maya maya pa ay nakaramdam na si Ara ng gutom kaya tumungo muna ito sa kitchen para magpahanda ng lunch nila. Hindi naman gaanong busy kaya maisisingit naman ng mga crew niya ang paghanda ng lunch nila.
Pagkalabas niya ay si Mika ang una niyang nakita. Busy pa rin ito sa pakikipagusap kay Sophie pero kay Mika lang talaga nakatuon ang atensyon niya. Parang nag slow mo lahat sa paningin niya, naalala niya din ang mga masasayang memories nila.
"Ganda no?" nagulat si Ara sa biglang pagtabi ni Jeron sa kanya.
"Yeah.." yun na lang ang nasagot niya.
.
.
.
.
.
"Uy na miss kita ah." malungkot na sabi ni Mika kay Ara pagkalulan pa lang nila sa kotse. Susunduin kasi nila ni Athena sa school.
"Busy kayo ni Jeron eh." poker face lang si Ara at nakatutok lang ang mga mata sa daan. Pero syempre may kung anong kirot na naman siyang naramdaman sa dibdib niya. "Buti na lang at nagkakaoras ka pa din sa bata."
"Vic, alam mo naman kung bakit diba? I'm sorry. I'm so sorry," naluluhang sabi ni Mika.
"Oo alam ko. Kaya nga okay lang diba?" saglit na tumingin ito kay Mika at ngumiti.
"Sorry kasi ito na naman ang kinahinatnan ng naging desisyon ko,"
"Hey," hinawakan niya ang kamay ni Mika. "Nag agree ako dito. Magkasama tayo nung pumayag ka. Kaya okay lang Mika. Okay lang sakin." pagaassure nito.
Nagpakawala na lang si Mika ng malalim na buntong hininga at tumingin na lang sa labas ng bintana. Nag isip kung lahat ba ng sacrifices na ginagawa niya ngayon ay magiging worth it ba. Napasubo lang siya ngayon, at malapit na rin namang matapos ang lahat ng ito.
Tahimik lang silang dalawa sa buong byahe hanggang sa nakarating na sila sa school ni Athena.
"Mommy Ye, Mommy Ara!" sinalubong sila ni Athena ng yakap pareho at humawak ang dalawang ito sa magkabilang kamay niya.
"Gusto mo bang magmeryenda muna tayo bago kayo umuwi ni Mommy Ara, baby?" tanong ni Mika sa bata habang naglalakad na sila pabalik ng kotse.
"Hindi ka uuwi sa house later, Mommy Ye?" halata sa mukha ni Athena ang lungkot. Napatingin na din si Ara kay Mika at naghihintay din ng isasagot nito.
"Male-late lang ako ng uwi mamaya, baby. May lakad kasi kami ni Mommy Sophie. Mag sleep ka ng maaga later ha?"
Tumango lang si Athena at nagpakarga na kay Mika para makasakay sa kotse. Dumiretso na silang tatlo sa Jollibee malapit lang sa school ni Athena para magmeryenda muna.
After nila kumain ay nagpahatid na lang si Mika sa mall para dun na kitain si Sophie.
"Soph? Where are you? Nandito lang ako sa may food court maghihintay sayo," sabi ni Mika pagkasagot ni Sophie ng tawag niya.
"I'm on my way, umuwi na ba si Ara?" sagot naman nito.
"Umuwi na sila ni Athena. Sige na. Magingat sa biyahe. See you,"
"Okay, okay. Malapit naman na ko."
Naghang up na si Mika at naghintay na lang kay Sophie hanggang sa dumating na ito maya maya pa.
.
.
.
"Saan ba kasi tayo pupunta, Miks?" di na mapakali si Sophie, kanina pa kasi sila nagbibiyahe at wala naman siyang kaalam alam kung saan sila pupunta ni Mika. "Nakakatakot na ang lugar na to. Ang dilim din."
"Sshh. Tahimik ka lang muna jan. Walang peligrong mangyayari satin dito dahil na survey na ni Jeron ang lugar na to." kalma lang si Mika habang nagdradrive. Nanahimik na lang din si Sophie at dumungaw na lang sa bintana.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na rin sila sa dapat nilang punatahan.
"Oh my God, Miks!" napatakip si Sophie sa bibig niya pagkaakyat nila. "Gosh, Mika. How?"
"This is all Jeron's idea. Kinakabahan na nga ako eh,"
"Jeron, please! Gosh ang romantic niya pala!" napahawak na si Sophie sa dibdib niya, manghang mangha pa rin sa nakikita.
"Dito kami pupunta after the wedding, Soph."
.
.
.
.
.
-----------------------
I'm so sorry kung sobrang ikli talaga ng chapter na to. Para na kasing turning point to ng mga mangyayari pa. Sorry talaga kung bitin na naman. Kailangan bitinin para may abangan. :)) 4 more chapters. Sorry din sa typos ulit. Goodnight. :)))
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Фанфик"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...