Chapter 22

12.8K 171 20
                                    

Cienne's POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ara kagabi. I'm really worried! I mean, ilang buwan lang akong naging busy sa foundation tapos sa isang iglap lang ganito ang malalaman ko kay Ara? I saw it coming before, but I was never sure if it would come - and it came. Yun pala ang rason kung bakit umiiyak si Ara nung nakita siya ni Athena! Urgh. Pinipigilan ko ang sarili kong makialam.

One sign. All I need is a sign, please, I swear, hindi ako makikialam sa kanila. Bigyan lang ako ng sign na hindi niloloko ni Mika si Ara. Ayoko ng pagdaanan nila ulit lahat ng nangyari sa kanila. Kaming lahat naapektohan. Then same old story, maghihiwalay, mahahati ang barkada, may lalayo. At pagod na pagod na ko. Dapat sa mga panahong ito, lahat kami natuto na. Hindi lang sina Ara at Mika.

"Lamesa Grill na lang, Cienne?" pukaw ni Camille sa atensyon ko.

Nandito kaming dalawa ngayon sa MOA, bonding lang. At pinipilit namin pareho na wag pag usapan sina Ara at Mika dahil ayaw namin pareho mag jump into conclusions naman. This time, we're giving Mika the benefit of the doubt. Baka kaibigan lang niya yun o kasama sa work yung tumatawag. I just hope she proves to us that we're wrong. That after all, Ara is wrong.

"Sige." nagpahatak na ko kay kambal papasok sa resto. Mag-eearly dinner na lang kami. Hindi kasi uuwi si Gayle sa bahay ngayon dahil may dental mission ang PDA sa Mindoro. Pinagday off ko na lang din ang kasambahay namin.

Naupo kami dito ni Camille sa sulok para hindi kami masyadong mapansin ng mga tao. Napagod na din kasi ako sa kaka ngiti sa loob ng mall kanina, marami rami rin kasi ang nagpapicture na mga volleyball fans samin.

"Ikaw na mag order." inabot naman sakin ni Cams ang menu.

Nagpunas muna ako ng pawis gamit ang panyo ko bago ko tingnan ang menu. "Isang sinigang na hipon. Pork sisig at grilled marlin na lang.."

"Bottled water na lang drinks ko." singit ni Camille at inabot pabalik sa waiter ang menu book.

"Sakin din."

"May I repeat your orders, Maam? Isang sinigang na hipon, isang pork sisig, at isang grilled marlin, at dalawang bottled water. Rice po?"

Pssh. Nakalimutan ko pa yung kanin. "Tatlong cups na lang."

Tumango siya at inilista yung kanin. "How about dessert?"

"Ikaw kambal?" baling ko kay Camille.

"Fruit salad na lang." sagot niya.

"Ako din.."

"I'll be back with your soup, Maam."

"Thanks.." sabay na tugon namin ni kambal.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon