Gayle's POV
"Babe, tama na.." kanina ko pa kinocomfort si Cienne pero walang tigil pa din siya sa pag-iyak. Basang basa na nga ang panyo ko kakapunas ng mga luha niya pero di pa rin siya tumitigil. "Papatayin ko na lang kaya ang TV para tumigil ka na.." banta ko sa kanya saka kinuha ang remote.
Tiningnan niya ko ng masama, namumula pa ang ilong niya, maga ang mata, at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha niya. Ang cute cute naman ng mahal ko pero may pagka-OA din minsan. Laging nasa extreme ang emotions niya.
Kapag galit, galit na galit, kapag malungkot, iyak ng iyak.
"Kasalanan ko ba kung sobrang sad naman talaga ng story?" mahina niyang sabi habang nakatutok pa rin ang mata sa TV.
"Ikukuha na lang kita ng milk ha? Wait lang.." tumayo na ko at tumungo sa kusina.
"Ate, ako na lang po?" pahabol pa ng maid namin pero inilangan ko na lang siya.
"Manuod ka na lang diyan at damayan mo sa pag iyak ang ate Cienne mo." sabi ko saka tumuloy na talaga sa kusina.
Naglagay ako ng fresh milk sa baso ni Cienne. Dinamay ko na rin ang maid namin, nilagyan ko din siya ng gatas.
Pagbalik ko sa sala ay naratnan ko silang nakaupo na sa harap ng TV mismo. Parehong naka cross sitting position. Inabot ko sa kanila ang gatas nila at dumiretso na ko sa couch. Napailing na lang ako. Sobrang emosyonal naman nila habang nanunuod. Ako naman wala masyadong naintindihan sa pinapanuod namin dahil panay comfort lang ako kay Cienne.
.
.
"Babe, naaawa talaga ako dun sa babae.." bulong ni Cienne sakin habang nakaunan sa braso at nakayakap.
"Babe, wala na tayong magagawa. Hanggang dun lang ang buhay na binigay ni God sa kanya.."
"Pero kung may pera sila, at kung sana hindi tatanga tanga ang mga doctor, posibleng naka survive pa siya.." komento niya pa.
Tumango na lang ako. "Tama na sa pag-iyak." hinawakan ko ang pisngi niya. "Goodnight, babe." saka ko siya hinalikan sa noo.
"Babe, wait lang.." bumangon siya then reached for the glass of water in our bedside table. Kinalahati niya yun. Pagkapunas niya ng bibig niya gamit ang kamay niya ay nahiga na siya ulit. "Babe, diba bukas sa umaga ka lang naman may appointed patient?"
"Oo. Why?"
"Yayain natin mag lunch ang barkada. May naisip ako eh.."
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Bukas na lang.. Sige na. Goodnight.." sabi niya habang nagsimula na namang mangilid ang mga luha niya.
Hay. Hindi na naman ako makakatulog nito..
*****************
.
.
The next day...
Mika's POV
Inaantok pa talaga ako pero kusa ng dumilat ang mga mata ko. Nakayakap pa sakin si Ara at mahina pa siyang naghihilik. Napatingin ako sa wall clock, 6am.
Thank God wala akong trabaho ngayong araw, I'd get to spend time with Ara and Athena. Ano kaya ang magandang gawin ngayong araw? Napangiti ako. Andami lang ng pumapasok sa isip ko.
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Ara. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa lips. "Love you.." bulong ko sa kanya pero tulog mantika pa rin.
Bumangon na ko sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagtingin ko sa sarili ko sa salamin ay bigla kong naalala ang mga pinagusapan namin ni Jessey tatlong gabi na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...