Chapter 37

7.1K 151 34
                                    

Camille's POV

.

.

.

"O? Akala ko ba susunduin tayo ni Ara? Bat may dala kayong kotse?" tanong ko kay kambal pagkasilip ko sa labas na nagpapark si Gayle sa tapat lang nitong PretTEA. Susunduin kasi kami ni Ara ngayon dahil magsusukat na kami ng mga gown namin para sa kasal.

"Convoy na lang kami kasi mamaya may pupuntahan pa kami ni Gayle pagkatapos dun." palinawag naman ni Cienne habang pumipili ng maiinom. "Mil, pa order naman kami ni Gayle. Dalawang Charcoal Milktea na lang samin."

"Sige, wait lang." hinayaan ko na lang muna si Cienne sa table na inokupa niya pagkadating niya. Mamaya pa ay pumasok na si Gayle at pinuntahan na si Cienne. Ako naman pumunta muna sa counter para i-register ang order nila. Di ko naman sila pagbabayarin, para lang hindi magkulang sa inventory.

Maya maya pa ay nakita ko na rin ang kotse ni Ara na nagpark katabi ng kotse ni Gayle. Mag-isa lang to. Akala ko pa naman kasama si Mika. Hindi pala. Pagpasok niya dito sa loob ay agad naman siyang kumaway sakin pagkakita niya sakin. Nagpatimpla na din ako ng Taro Milktea. Kahit di na ko magtanong kay Ara alam ko ng yun ang gusto niya.

"Nandun na si ate Kim at Mela. Si Mika nandun na din kasama si Athena." rinig kong sabi ni Ara kina Cienne nung papalapit na ko sa kanila.

"Flower girl din si Athena, diba?" singit ko sa usapan nila.

"Yup."

Maya maya pa ay hinatid na samin ng crew ko ang mga milktea namin. Dinala na lang namin ito at sa byahe na iinumin.

"Cienne, kay Ara na lang ako sasabay para may kasama siya." sabi ko kay Cienne paglabas na namin.

"Sige, Vic sunod na lang kami ni Gayle sa inyo."

Nagthumbs up na si Ara at bumaling naman sakin. "Let's go na, Mil."

Sumakay na kami sa kotse ni Ara. Umalis naman na kami agad.

Nilagyan ko na ng straw yung milktea at inabot sa kanya. "Vic, oh."

"Thanks. Alam na alam mo talaga," natatawa niyang sabi saka nag sip muna bago nilagay ito sa lagayan ng drinks sa tabi niya.

"Naman, Vicky. Sa tinagal tagal ng pagsasama natin ah," pareho lang kaming nakatingin ng diretso  sa daan. Pinagiisipan ko pa ng mabuti kung magtatanong ba ako kay Ara ng tungkol sa kanila ni Mika. Oo, alam naman namin ang nangyayari na ngayon pero kasi kung iisipin, nakakagulat lang lahat ng mga pangyayari. Ang hirap lang pagtagpuin ng mga nangyayari.

"Kamusta kayo ni Mika, Vic?" hindi ko na din napigilan ang sarili ko at tinanong na siya.

Sandali pa siyang tahimik lang. Nagiisip din siguro ng isasagot.

"Bakit naman hindi, Mil?" balik tanong niya sakin, saglit pang sumulyap sakin at tumawa ng mahina.

"Vic, alam mo naman sigurong hindi sinasagot ng tanong ang tanong." seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay sandali, "Okay kami. Okay ako. Okay siya. Okay si Athena. Okay na ba?"

Napailing na lang ako at hinayaan ko na siya. I know Ara is not in the mood to answer that kind of question. Sa tagal naming maging matalik na magkaibigan, alam ko na when to ask questions and when to give follow up questions. I know that she knows I had to ask. Pero based sa sagot niya, yun lang ang tanong na gusto niyang sagutin.

Tahimik na lang kami ni Ara buong byahe. We were always like this. Minsan lang nag uusap pero nagkakaintindihan naman kami. In life, siguro kailangan din natin nang ganitong klaseng kaibigan. Yung kung may sasabihin ka, nandiyan lang siya para makinig, no judgement; no comment. And vice versa. My point lang naman is, kaya never pa siguro kami nag away ni Ara, kasing ganitong klaseng relationship ang meron kami. At alam niyang kahit anong mangyari, I will always be here for her.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon