Mika's POV
Nandito na kami sa aisle. Naghihintay na lang na magsimula ng kumanta ang wedding singer na maging hudyat na magsisimula na kaming maglakad papunta sa altar. Nasa pinakaharap si Athena, hindi naman na ko nagwoworry sa kanya dahil na brief na din ang mga bata nung rehearsal kung ano ang gagawin nila. After ng junior bride's maid na pinsan ni Jeron ay si Camille na, tapos si Cienne, then Mela, then ate Kim, tapos si Ara na nasa harap ko. At ako ang pinakahuli sa entourage.
Nagsimula nang maglakad ang mga nasa harap pag simula ng wedding song. Bago pa kami tuluyang makapaglakad ay nilingon ako ni Ara.
"I love you, Ye." sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Nginitian ko rin siya. Sasagot na sana ako pero humarap na siya ulit at nagsimula ng maglakad. Nung maka distansya na siya ng konti sa akin ay naglakad na rin ako. May mga ngiti na nakapaskil sa labi ko.
Sobrang proud ko lang sa sarili ko dahil pinaghirapan ko lahat ng ito, pinaghirapan namin ni Jeron para mabuo ang kasal na to.
Malapit na ako sa altar. Nakikita ko na si Jeron na maluha luhang naghihintay. Katabi niya ang best man niya, si kuya Jeric na umuwi pa nung isang araw galing sa ibang bansa.
Ang perfect ng araw na to para sa isang wedding, ang perfect ng lahat para sa kasal na to, wag lang sanang pumalpak at wala sanang tututol. Nagkatinginan kami ni Jeron, ngumiti siya sakin. Ang gwapo niya, wala akong masabi. Sinong babae pa ang tatanggi kung isang Jeron Alvin Teng ang magpropropose sayo?
Pagtapat ko sa kanya ay binatukan ko siya ng mahina, tumawa naman ang ibang bisita, "ayusin mo ha?" i mouthed.
Sana maging maayos lang talaga ang lahat. I've said it, and I'll say it again. This wedding would be so perfect.. only if it would be mine and Ara's.
Pero hindi eh.
Pumunta na ako sa kaliwang mga upuan at tumabi na kay Ara. Nanatili lang kaming nakatayo habang tinitingnang naglalakad si Sophie kasama ang Mama at Papa niya.
The Bride. Sophie. She's perfect.
Nung nakita ko ang sarili ko sa salamin kanina, nasabi ko din na ang ganda ko, na ang sexy ko sa gown ko, na ang galing ng artist na nag-ayos sakin. But I can't have it all. Hindi ko pwedeng sapawan ang bride kasi maid of honor lang ako. Kung bakit ako nag maid of honor? Walanghiya kasi si Gayle, lumuhod na sa harap niya si Sophie at lahat, ayaw pa din pumayag. Kaya ako na lang daw.
"Natupad na ang matagal mong hinihintay, Ye." rinig kong bulong ni Ara sakin. "Hindi mo na pwedeng pagselosan si Sophie kasi magaasawa na o," saka siya tumawa ng mahina.
"Ikaw din kaya, hindi mo na mapagseselosan si Jeron." ganting asar ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago naupo.
Nagsimula na ang kasal. Hawak ng isa kong kamay ang bulaklak, sa kabila naman ay ang kamay ni Ara. Lumingon samin si Athena, tuwang tuwa. First time kasi umattend ng kasal. Nginitian ko lang siya, si Ara naman binulongan siya na makinig lang dun sa pari.
Kakasimula pa lang mangiyak ngiyak na ang bullies, feel na feel. Siguro dahil tulad ng nararamdaman ko ngayon, ay nawala na ang hope sa amin na maaari kaming ikasal sa simbahan dahil sa mga naging choices namin sa buhay namin. No, wala akong pinanghihinayangan. Mahal na mahal ko si Ara. Hinding hinding hinding hindi na magbabago pa yun. When I chose her from the very start, I know I made the right choice. Not a momentary envious feeling would make me change my mind.
Habang iniisip ko ang mga bagay na to ay napatingin ako sa dako ni Ria. Ang bestfriend kong alam kong masaya na din para kay Sophie.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...