Chapter 32

9K 174 27
                                    

Ara's POV

Nagluluto ako ngayon ng lunch para sa aming tatlo. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako. Hindi kasi ako nagmamadali o nagmumultitask na magluto at paliguan si Athena at ako naman ang mag-aayos. Ginagawa na ni Mika ang part na gingawa ko na dapat sa kanya naman. Masaya ako na ganun, na nagiging hands-on na siya sa bata. Ang naging vacation namin sa Hongkong ay masasabi kong nagpabond pa lalo sa aming tatlo. Tinutukso na nga ako ng bullies na sa kanila naman daw kami walang oras ngayon, eh sorry naman kasi masyado ko talagang mahal si Mika kaya sa kanya muna, sa bata, at sa grill lang nakalaan ang oras ko.

"Tomsy, ako na muna dyan, tapos na kami mag-ayos. Ikaw na maligo dun." hahaha! Natatawa ako sa itsura ni Mika. Kakaligo lang, tumutulo pa ang buhok, naka sleeveless naman at nakashorts pero pawis na pawis. "Dali na. Tititig pa eh, male-late na ang bata!"

"Psst. Kiss ko!" kaway ko kay Athena na humalik naman sakin agad. "Miss! Kiss ko din," baling ko naman kay Mika.

Lumapit siya at inagaw sakin ang potholder saka mabilis na humalik sa pisngi ko. "Wait lang.." sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto.

"Bilisan mo ah!" pahabol pa ni Mika.

Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Mabilis lang din kaming naglunch at hinatid na agad namin si Athena sa school niya.

.

.

"Baby, si Naynay na magsusundo sayo mamaya ah. Uuwi kayo sa Pampanga kasama si Poppy.." pagremind ko kay Athena. Friday kasi ngayon, at tuwing weekend hinihiram siya nina Mommy at Kuya para umuwi sa bahay namin sa Pampanga. Para na rin makita siya ni Papa.

"Yes Mommy Ara. Bye, Mommy Ye.." saka siya humalik samin ni Mika at pumasok na.

Papunta na kami ni Mika sa grill ngayon. Dun lang naman kami usually nagpapalipas ng oras hanggang sa susunduin na namin si Athena sa hapon, pero ngayong hindi namin kailangang sunduin ang bata mamaya, ewan ko lang kung saan kami pupunta nito.

Habang bumibyahe kami ay kumakalikot lang si Mika sa phone niya.

"May lakad ba tayo mamaya, Vic?" tanong niya sakin habang minamasahe ang batok ko.

"Wala naman, why?"

"Baka kasi aalis ako mamaya, may i-mimeet lang po.."

"Uhm, sige okay lang. Sa grill lang naman ako mamaya." hindi na ko nagtanong pa kung saan siya pupunta. May tiwala naman ako sa kanya eh. At ayoko rin kasing isipin niya na pinapakialaman ko siya.

.

.

Pagkadating namin sa grill ay naabutan namin si Sophie sa isang sulok, at aba ang babaeng to, tanghaling tapat at sa init ng panahon nagagawa pang uminom.

"Hoy may problema ka?" agaw ko sa kanya ng hawak niyang baso at inamoy kung ano ang iniinom niya. "Psshh. May Walker ka pang nalalaman! Kumain ka man lang ba muna bago uminom?"

Pag-angat niya ng ulo niya ay pareho kaming nagulat ni Mika sa itsura niya, ang laki lang ng eyebags, namumugto ang mata, hindi na nag-abala pang mag make up which is unusual para sa kanya.

"Uy Soph, anyare sayo?" tanong ni Mika sa kanya pagkaupo namin sa tapat niya.

"Wala to. Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi." alam kong nagdadahilan lang to. Hihintayin ko na lang na mag open up siya though malabo kasi nandito si Mika, at syempre, bestfriend ni Mika si Ria.

"Ah, excuse lang guys, sagutin ko lang to. Wait lang Vic ah, ito yung imi-meet ko eh, mukhang napaaga.."

Pagkaalis ni Mika ay napatitig na lang ako kay Sophie. "Ano ba ang problema mo?"

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon