Chapter 7

17.9K 113 16
                                    

Cienne's POV

"How can you not take this seriously, Vic?!" I made my voice as quiet as possible but I made sure that she gets what I'm trying to point out.

"It's not a big deal, Cienney.. She's just doing her job." kalmado niyang pagkakasabi habang hinahanda ang lunch namin. Ni hindi niya man lang ako tiningnan.

"You know he likes, Mika. Kahit pa nung college tayo! He was always vocal about it!"

"Well, Mika doesn't like him. So, there's really nothing to worry about. I trust her.." sagot niya sakin saka binigyan niya pa ako ng reassuring na ngiti. "Magpasalamat na lang tayo na at least kasama natin siya ngayon. Na kahit papaano eh, maka bonding natin siya."

"Yun na nga Vic eh. Ngayon na lang ulit!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nataasan ko na siya ng boses.

Hinarap naman niya ko at tiningnan sa mga mata. "Look Cienne, sa mga panahong ako ang busy, nung ako ang laging hindi nakakasama, hindi nag give up si Mika sakin. Lahat kayo nakakasama siya palagi, at ako ang wala. Hindi ko siya nasasabayan sa pagalmusal, sa paglunch, sa dinner, sa pagtulog, sa halos lahat. Inintindi niya ko. So wala akong rason para mag give up sa kanya. Walang rason para hindi ko siya maintindihan at ang trabaho niya.."

Napailing na lang ako. Tama si Ara. It's just that, I'm really worried. "Sorry.." yun na lang ang nasabi ko.

"It's okay. Naiintindihan ko na nagaalala ka. But really, Cienne, hindi ako nagwoworry. Whoever Mika works with, I'm sure, it's just part of her job. Nothing personal." kinuha na niya ang mga pinggan at hinanda sa mesa. "Tawagin mo na sila, kain na tayo."

Nandito kami ngayon sa isang beach resort sa Batangas. Bonding bonding lang kasama ang barkada. Kagabi lang din namin na plano to, buti nga pag on the spot na pagpaplano dahil natutuloy. And I'm thankful na kumpleto kami.

Lumabas na ko sa cottage at tinawag sila para kumain ng lunch.

"Psst! Kain na!"

Nagsitakbuhan naman silang lahat at aba, nilagpasan lang ako.

Buti pa tong si Gayle at sinalubong ako ng yakap. "Okay ka lang, babe?"

"Ah. Oo naman.." tipid kong sagot.

"Why the face?" hawak niya sa baba ko saka nagsmack sakin.

"Wala, wala. I'm fine. I just had this talk with Ara."

Inakbayan niya na ko at inakay papunta sa cottage. "You always worry about your friends too much. Kahit wala namang rason para magworry ka."

Hindi na ko sumagot. Alam ko kasing sesermonan niya lang ako.

Pagpasok namin sa cottage ay may hawak na silang lahat na plato.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon