Ara's POV
"Baby, kain ka na bilis." subo ko kay Athena.
"Mommy Ara, aren't you going to eat?" Athena with her puppy eyes.
"Later na, baby. Sige na, eat ka pa oh." subo ko sa kanya ulit.
"Vic, maligo ka na dun. Ako na kay Athena.." biglang sulpot ni Mika na katatapos lang magbihis. "Baby, ligo muna si Mommy Ara ha?"
Tumango lang ang bata. Pumasok na ako sa kwarto at iniwan na ang mag-ina ko sa kitchen.
Ngayong umaga ay ieenroll namin si Athena sa isang art class. First time niyang mag-aaral with other kids, she was home schooled since she was 3, kaya sigurado akong malaking adjustments ang gagawin niya. And since it's summer, makakabuti para sa bata na mamihasa na kasama ang iba't ibang klase din ng mga bata bago namin siya ieenroll this coming school year.
Actually, ako lang pala ang mag eenroll kay Athena ngayon dahil si Mika ay pupunta kay Coach Ramil para magpaalam na titigil na sa paglalaro. I know she always wanted to pose for the cameras, bagay daw na hindi niya nagawa nung nasa US siya. And this time, dapat niya na daw i-grab ang opportunity to finally do what she wants, by accepting the talent recruit's offer. Of course I agreed, ayaw kong pigilan si Mika sa mga bagay na gusto niyang gawin.
"Vic!" tawag ni Mika sakin.
"Patapos na!" shoot! Masyado na atang marami ang tumatakbo sa isip ko, natagalan tuloy ako sa pagligo.
Paglabas ko ng banyo ay nagbihis na agad ako at lumabas na ng kwarto. Tapos na ring ayusan ni Mika si Athena. She's very lovely with her long-sleeved dress.
Tumakbo papunta sakin si Athena at yumakap. Agad ko naman siyang kinarga. Kiniss niya ako sa pisngi at sa lips at kinurot pa ang ilong ko. "You're so gwapo, Mommy Ara!"
Natawa naman ako! At nung sinilip ko si Mika ay natatawa rin siya. "Uy Mika, kung anu-ano na lang ang tinuturo mo sa bata! Hahaha!"
"Bakit, totoo naman ah! Ang gwapo mo Mommy Ara," yakap na din ni Mika sa amin.
"Tara na.. Ihahatid ka pa namin sa FEU, baka ma late kami.."
**************************************
"Mommy Ara, are we going to fetch Mommy Ye?"
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...