Chapter 39

6.8K 177 56
                                    

Mka's POV

"Please, ayokong maging palpak ha?"

"Yes, Miks. Exactly how you want it to be,"

"Thanks, bye!" saka ko binaba ang phone ko.

Urgh! Anong oras na, nandito pa ko sa kalagitnaan ng traffic! Baka magmukha akong zombie sa kasal mamaya! Pawis na pawis pa ko ngayon. Sobrang kinakabahan pa ko para mamaya.

"Hello?" hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Ye! Where the hell are you! Ikaw na lang ang hindi na aayusan! The wedding will be in 2 and a half hours!!" si Cienne pala. At galit ang boses. Paano kasi kaninang lunch time pa kasi sila nandun sa condo ni Sophie. Dun na lang kami aayusan dahil malapit lang dun ang simbahan.

"Papunta na ko. Dinaanan ko pa ang photographer eh,"

"Okay. Bilisan mo na ah, bye!"

Aray. Binabaan na ko ni Cienne. Lalo tuloy akong kinabahan. I just want this day over and done with. Bukas relax na kaming lahat.

Lord, please, bear with me. Hindi ako pwedeng ma late sa kasal. I can't let Jeron down.

Ara's POV

Kasalukuyan akong mine-make upan ngayon ng artist. Feeling ko nangangati at ang bigat ng mukha ko. Pero para sa kanya gagawin ko to kahit pa labag sa loob ko.

"You're so pretty talaga, Mommy Ara." nandito lang si Athena sa tabi ko habang nanunuod sakin. Tapos na siyang ayusan at magsusuot na lang siya ng gown niya.

"Thanks, baby. Wag masyadong malikot baka masira ang make up mo," sabi ko sa kanya.

After akong ayusan ay sinabay ko na papasok sa powder room nitong condo ni Sophie si Athena para makapagbihis na kami. Una ko siyang binihisan at pinalabas na ulit.

"Punta ka kay Mommy Cienne, sabihin mo ayusin ang damit mo at nagbibihis pa ko."

Tumango lang siya at lumabas na. Ako naman ang nagbihis. Pwede naman sanang dun na lang sa labas ako magbihis kaso nahihiya ako, okay lang naman sana kung sina ate Kim lang ang nandun.

Bago ko pa maisara ang zipper ng gown ko sa gilid ay napaharap ako sa salamin. Ibang iba ang itsura ka ngayon. Hindi ko kasi na foresee na ang susunod na kasal na pupuntahan ko ay hindi akin. Hay. Tsk. Ayoko na lang talagang mag-isip ng kung anu-ano. Pero masaya naman ako para sa kanila.

Masaya ako na, finally, nahanap niya na rin ang lalaking kayang bigyan siya ng pamilya. Na kaya siyang pasayahin at bigyan ng magandang buhay, ng mga anak...

"Vic?" urr. Naputol ang pagmumuni muni ko sa pagkatok ni Camille sa pinto. "Tapos ka na ba?"

"Ah oo," pasigaw kong sagot saka tinaas na ang zipper ng gown ko at lumabas.

"Akala ko naman nalunod ka na sa sink. Nandyan na si Mika, inaayusan." sabi nito paglabas ko.

"Ah, talaga. Sige.." hinanap na agad ng mga mata ko si Mika. Nandun siya kung saan ako inayusan kanina.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon