Sophie's POV
"Soph," mahina akong niyugyog ni Ria. "Gising na mahal,"
"Inaantok pa ko," reklamo ko saka tinalikuran siya at nagkumot.
"Pupunta tayo sa Batangas ngayon." ibinaba niya ang kumot ko at yumakap sakin. Hinaplos haplos niya pa ang tiyan ko. Shit. Hindi pa pala ko nakakapagsuot ng damit.
Hinarap ko na siya at yumakap din sa kanya. "Opo, gigising na po."
"Good. Mauna na kong maligo ah?" kumalas na siya sa pagkakayakap sakin, hinalikan ako sa noo, at nauna ng bumangon. "Bangon ka na rin." Nakita ko ding ini-stretch niya ang right arms niya. Haha. Di ko maiwasang matawa. Napagod ata kagabi.
Bumangon na nga ako at sinuot na muna ang T-shirt ni Ri saka dumiretso sa kusina. Naglabas lang ako ng isang loaf ng bread at palaman. Usually hindi naman kumakain ng rice si Ri sa umaga kaya hindi na lang din ako magsasangag. Naglagay na lang ako ng kape sa coffeemaker at pumasok na ulit sa kwarto para maghanda ng mga gamit namin.
Baka magovernight din pala kami sa Batangas mamaya, depende pa sa sitwasyon. Pero mabuti na ang handa.
"O?" lumabas na si Ria mula sa banyo at nakasuot na ng T-shirt pero naka underwear lang siya sa baba. Di ko tuloy maiwasang pagnasaan na naman ang katawan niya. Haha! "Ligo ka na. Ako na diyan.."
Kinuha ko na ang towel ko. "Mahal, pasok sa bag ko yung charger ah? Baka makalimutan ko." sabi ko bago tuluyang pumasok sa banyo.
*********
Papunta na kami ngayon sa Batangas at ako ang nagdadrive. Halos 3 hours na rin kaming bumibiyahe. Traffic din kasi.
"Pagod ka na magdrive?" minamasahe ni Ria ngayon ang batok ko.
"Sakto lang. Alam ko mas pagod ka kaya chill ka lang diyan! Hahaha!" di ko na napigilan ang sarili kong mapatawa ng malakas.
Kinurot kurot naman ni Ria ang batok ko. "Ang sama mo sakin. Porket mas experienced ka sakin ah,"
"Hahaha! Ano ba Ri! Mababangga tayo! Hahaha!"
Ginulo niya ang buhok ko at umayos na ng upo.
Maya maya pa ay dumating na rin kami sa bahay nila Kim. Kami na lang ata ang hinihintay kasi naka park na ang mga kotse nila dito sa labas.
"Mommy Soph!" sinalubong kami ni Athena at humalik sa amin ni Ri.
"Hi baby.."
"Oh Sophie, nandito na pala kayo. Pasok kayo." si Kim na may bitbit pang sandok.
"Uy ang bango naman ate Kim! Anong niluluto mo?" sabi ni Ri ng maamoy ang kung ano mang niluluto ni Kim.
"Si Mama nagluluto, pinabantayan lang sakin. Tara sa kusina, nandun silang lahat."
Sumunod na kami kay Kim at nadatnan silang tumatambay lang dito sa kusina. In fairness, ang aga naming dumating, 8:30 pa lang at mga 11 pa daw ang game sabi ng mga kalaban nila.
Nang maluto ang noodles, yes, noodles lang naman pala ang niluluto ni Kim, haha, ay nakikain na lang din kami. Pagkatapos kumain ay umakyat na kami sa kwarto ni Kim para iwan ang mga dala naming gamit at para na rin makapagbihis na sila.
"Cienne!" tawag ko kay Cienne na busy sa paghahalungkat ng mga gamit niya.
"O?" sabi niya at hindi man lang tumingin sa gawi ko kaya ako na lang ang tumabi sa kanya sa kama. "Sensya na ah, hindi ko kasi mahanap ang knee pads ko.."
"Oks lang.. Susunod ba si bes?"
"Yup. Parating na din yun. Nauna lang akong umalis at sumabay kina Ara.."
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...