Chapter 27

9.1K 182 18
                                    

Same day sa last chapter...

.

.

Mika's POV

Hay.. Thank you, Lord, wala akong trabaho ngayon. Kauuwi ko lang dito sa bahay galing sa shoot. At tatlong linggo ding halos tig apat na oras lang ang tulog ko araw-araw. Nakakapagod. Ewan ko nga kung paano nila ni-transform ang ganito ko ka haggard na itsura sa shoot.

Sobrang tahimik ng bahay. Wala din ang kotse ni Ara, ibig sabihin ako lang ang mag-isa dito ngayon.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nakalatag lang sa kama ang mga damit nina Ara at Athena na nanggaling sa laundry. Nilagay ko muna ang bag ko sa gilid at niligpit una ang mga damit ni Ara sa cabinet niya, at yung kay Athena naman pinasok ko sa kwarto niya.

Naupo ako sa gilid ng kama ni Athena pagkatapos kong mailagay sa sarili niya ding cabinet ang mga damit niya. Inabot ko mula sa side table ang litrato naming tatlo na naka frame. Hinaplos ko yun.

Miss ko na silang dalawa. Miss ko na si Ara. Masama pa rin ang loob ko sa kanya, kina Mela. Hindi ko kasi alam kung bakit nila ako pinagiisipan nila ako ng ganun.

I mean, hello! Tingin ba nila kaya ko talagang magloko?! Sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ara, makakaya ko bang gawin yun sa kanya?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at binalik na ang frame sa table. Nakalabas na ko sa kwarto ni Athena ng makaramdam ako ng gutom. Di pala ako nagbreakfast kanina, at pagtingin ko sa relo, half past 1 na. Jusko, ayoko namang magka-ulcer. Wala din ako sa mood na magluto ngayon kaya naisipan ko na lang na sa grill ni Ara mag lunch. Baka nandun siya, chance na din to para magusap kami.

Mabilis lang akong naligo at nag ayos. Tumawag na lang ako sa guard house para magpadala ng taxi, masyadong lutang ang utak ko ngayon para mag drive.

Maya maya pa ay dumating na ang taxi at nagpahatid na ko sa grill.

.

.

.

.

.

"Good afternoon, Maam Sophie.." bati sakin ng bagong crew ata. Ngayon ko lang kasi nakita to dito.

"Adrian, si Maam Mika yan. Girlfriend ni ate Vic.." dinig kong bulong ni Rain, isa din sa mga crew. "Ah, pasensya na po Maam, bago po to kasing si Adrian eh.."

"Sorry po," yumuko naman si Adrian daw.

"Okay lang. Magkamukha naman talaga kami ni Sophie," nginitian ko silang dalawa para naman hindi sila masyadong ma-awkward sakin. Sumilip din ako sa pinto ng kitchen baka sakaling nandun si Ara sa loob. "Ate Mika na lang din. Wag ng Maam," dagdag ko pa

"Ah, eh.. Wala po si ate Vic." sabi ni Rain nang mapansin ang pagsilip ko. "Wala din si ate Sophie, hindi ko lang po alam kung magkasama sila, wala pong bilin eh."

"Ah sige. Pakihanda na lang ako ng kahit ano dyan for lunch. Sa taas lang ako, salamat."

Bagsak ang balikat akong umakyat. Hindi lang naman kasi ako ang busy, si Ara din pala. Kaya din hindi na talaga kami nagkakausap, kahit nga kamustahan lang wala talaga. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon eh.

Naisip kong tawagan sana si Cienne, but I decided not to. Sa sinabi ni Mela ng gabing yun, malamang isa din si Cienne sa mga nagiisip ng ganun sakin. Kung si ate Kim naman, syempre si Mela kakampihan nun.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon