Chapter 21

13.2K 155 20
                                    

Kim's POV

Matiyaga kaming naghihintay ngayon ni Athena sa Mommy Mela niya na nakapila sa counter para sa mga pagkain namin. Nandito kami sa mall, ginala namin ni Mela si Athena.

Pagkatapos kasi ng party niya kahapon ay malamang hindi na naman pinansin ni Ara si Mika. Idagdag pang hinating gabi na rin sa pag uwi si Jeron, naaliw ata sa paginom kasama sina Mika at ang mga kasamahan din nilang models.

At pagdating namin ni Mela kanina sa grill ay hindi naman naaasikaso ni Ara ang bata gawa ng marami silang pinaguusapan ni Sophie. Kaya ayun, sinama na lang muna namin siya. Nakita kasi naming matamlay siya. Nakakainis nga eh. Pati ang bata naaapektohan na.

"Gutom ka na ba, baby?" tanong ko sa kanya at hinawi ang bangs niya pa gilid, nakatabon kasi sa mata niya.

"Not yet Mommy Kim." matamlay niya pa ring sagot.

"Hindi mo ba nagustohan ang mga pinamili nating toys?"

"Nagustohan po. Thank you.." ngumiti siya pero hindi yun umabot sa mga mata niya.

Hay, napahinga na lang ako ng malalim at hinayaan na lang muna siyang maglaro sa iPad niya.

Maya maya pa ay, bumalik na rin si Mela dito sa table bitbit ang mga pagkain namin. Tahimik lang ako habang kumakain kami at pinanunuod lang si Mela na kinakausap ang bata.

Siguro kung kami lang ang biniyayaan ni Mela ng anak na tulad nitong si Athena, hindi ko hahayaang maramdaman niyang nagkakaproblema kami ni Mela. Hindi naman sa sinasabi kong, yun nga ang nararamdaman ng bata, pero syempre kasi napapansin naman niya siguro yun. Hindi na lang namin siya tinatanong dahil ayaw naming ipakita sa kanya na may problema na nga.

At kaya nga nandito kaming mga kaibigan nila eh, para tulongan sila sa mga ganitong pagkakataon.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad pa kami sandali bago namin napagkasunduan ni Mela na ihatid na ang bata sa grill. Gabi na rin naman.

Hindi naman ganun katagal ang biyahe kasi lagpas rush hour na din. Pero sa di inaasahang pagkakataon, pagdating namin, ay sa labas pa lang ng office, dinig na dinig na naming may pinag-aawayan sina Sophie at Ara.

"Nagsayang lang ako ng oras kakadaldal dito! Hindi ka naman pala nakikinig! Bahala ka na nga!"

Lumabas si Sophie ng office at malakas na sinara ang pinto. Nagulat siya nang makita kami pero halata talaga sa mukha niya na napikon na siya kay Ara. "Kayo na bahala dun, di ko din maintindihan eh. Alis na ko, sunduin ko pa si Ri.." dinaanan niya lang kami at mabilis ng lumabas ng grill.

Sinundan lang namin siya ng tingin at nagulat din kami ng mapagtanto naming nandito rin pala ang kambal at si Gayle.

"What was that?" sabi ni Cienne ng makabawi na sa pagkagulat.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon