Ara's POV
"Mikaaaaa! Hahaha! Sabi ng tama na eh!" natatawa ako at kanina ko pa talaga iniiwas ang itsura ko sa camera. Ang kulit kasi ni Mika. Porket binilhan ko ng dslr para hindi na umalis ng bahay para mag photoshoot eh ako pa ang ginawang model.
"Ang gwapo mo talaga! Tsk tsk.." tingnan mo to, ang gwapo ko daw pero magkasalubong ang kilay at naka pout pa habang ni-rereview ang mga kuha niya sakin sa camera.
"Magselfie ka na lang dyan para masabihan mo namang maganda ang sarili mo," kinurot ko ang ilong niya.
"Aray ha!" pagrereklamo niya saka hinawakan ang ilong niya at nagpout na naman kaya nilapit ko ang mukha niya sakin at hinalikan ang ilong niya. "Baby, yung lips ko din masakit." nagpout na naman ulit.
"Tsk, kahit di masakit, di naman ako magsasawang halikan yan eh," akmang hahalikan ko na siya sa lips nang biglang sumingit si Athena samin.
"Mommy, I'm hungry na.." nakatayo siya sa harap namin at hinihimas himas ang tyan niya.
Napaismid si Mika kaya napatawa na lang ako. "Later ka na," asar ko sa kanya saka inakay si Athena. "What do you want to eat ba?"
Nandito kami ngayon sa departure area sa airport. Ilang linggo na din simula nung nagkabati na kami ni Mika. Nung sumunod na araw pagkatapos naming magusap sa EV ay nagfile agad siya ng resignation mula sa agency. Masaya akong nagawa niyang iwan ang bagay na gusto niya para samin. Hindi naman daw siya nagsisi at mas masaya siya na mas maraming oras na ang nabibigay niya para samin ng bata.
And since parang foundation week naman sa school ni Athena ngayon, ay pinagpaalam muna namin siya sa teachers niya para makapag bakasyon kami. Naalala ko pa kasi nung time na tinanong ako ni Athena kung totoo si Cinderella. Kaya eto, nag desisyon kami ni Mika na dalhin si Athena sa Hongkong. And of course, si Camille na naman ang taga hanap ng plane ticket at hotel para samin.
"Vic, buksan na lang natin tong donuts. Nagugutom na rin ako eh," kinuha ni Mika ang isang box ng J.Co na dapat ay babaunin namin para dun na sa eruplano kakainin mamaya. Mukhang dito pa lang sa airport mauubos na.
Napailing na lang ako at kinuha mula kay Mika ang box at ako na mismo ang nagbukas.
"Mommy Ara, I want that pink one." turo ni Athena sa pink na donut. Siya na lang mismo ang pinakuha ko.
Pinaupo namin siya sa gitna namin at kumuha na lang din ako ng donut. At jusko naman itong si Mika, kakain na lang ng donut pipicturan pa kami ni Athena.
"Mika, mapupuno na ang memory niyan mamaya, ni hindi pa tayo nagboboard sa eruplano." suway ko sa kanya.
Binelatan niya lang ako at kinuha sa bag niya ang mga extra pang memory card na dala niya, sobra sa sampu ata. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pag kain. Medyo inaantok ako, alas dos pa lang kasi ng madaling araw maya maya lang ay boarding time na namin.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hongkong...
.
.
.
.
Pagdating namin kanina ay gusto sana namin ni Mika na magpahinga ni Mika, kaso nagyaya agad si Athena na magDisney kami. Kaye eto kami ngayon nakapila sa labas habang naghihintay na mag open. Napaaga na nga kami pero andami na ring nakapila para pumasok. Isang tumbling lang din naman sa pinagstayan namin ang Disney.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...