Ara's POV
"Baby?" nagising si Mika sa paghalik ko sa pisngi niya. "Morning."
"Morning love.."
Humarap siya at yumakap sakin. "I love you.."
"I love you." halik ko sa noo niya. "Gusto mo ng mag breakfast?"
"Later po." siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. "Let's stay like this muna."
Ipinikit ko na lang ang mata ko at ni-feel ang moment. Mag iisang linggo na kami dito sa the Maldives at ganito lang ang ginagawa namin ni Mika. Buong araw lang kami magcucuddle at lalabas lang ng room kung gusto niyang mag swimming o kung kakain kami, making up for lost times.
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na ganito na ang kinaratnan namin ni Mika. Too good to be true at pakiramdam ko hindi ako deserving na maging ganito ka saya.
Di ko namalayang nakaidlip pala ulit ako. Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Mika. "Baby..."
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. "Hmmn." Niyakap ko siya.
"Baby, gising na. 9 na. Gusto kong mag swimming.."
Napangiti ako. "Okay.."
"Pero dito lang sa villa ah. Mainit sa labas eh..."
Hinalikan niya ko sa pisngi at bumangon na siya. Nagstretch muna ako saka bumangon na rin. Naratnan ko si Mika sa loob ng banyo na nagpapalit ng panswimming niya. Nginitian niya lang ako mula sa mirror. These past few days, parang naging normal na lang samin ang magbihis kung saan saan. Ikinatuwa ko siya ng konti. Haha. I mean, not in a bad way ah. Pero kasi sa mga ganitong gestures and acts, nararamdaman kong mag asawa na talaga kami. Yung wala na kaming tinatago pa sa isa't isa. Yung hindi na kami naiilang sa isa't isa.
"Baby, pakitali naman ng strap oh,"
Pagkatapos kong itali ang strap ng top niya ay binack hug ko siya. Hinalikan ko din ang tattoo niya. "I love you, Ye.."
Ngumiti siya at hinaplos ang mga bisig kong nakayakap sa kanya. "I love you too, Vic.", saka niya ko hinarap at binigyan ng mahigpit na yakap. "Sige na, bihis ka na rin.."
"Ahm, Love.. Parang ayokong magswimming. Ikaw na lang."
"Ganun ba?" nagpout siya. "Okay."
Lumabas na kami at dumiretso sa pool ng villa namin. Agad namang bumaba si Mika sa pool at nilubog ang buong katawan niya sa tubig. Naupo lang ako sa gilid at nagtampisaw.
"Love, gusto mo ng coffee?"
"Pwede din.." matipid niyang sagot. Lumapit siya sakin at yumakap sa mga binti ko. Para na rin pala akong nagswimming dahil nabasa na rin ako. "Pero maya maya na. Dito ka na lang muna.."
Sobrang clingy ni Mika nitong mga nakaraang araw. Ni hindi nga ako makagawa ng conversation kahit sa mga receptionist sa front desk o kahit man lang sa cashier dun sa bar. Nagseselos daw siya pag may kausap akong mga babae. Alam kong ito na ang resulta ng pagloko ko sa kanya. Natatakot daw siyang baka madala na naman ako sa mga temptations. Of course, hindi na mangyayari ulit yun. Not this time around. Hindi ko na kayang mawala pa siya sakin.
Hinaplos ko ang buhok niya. Nakayakap lang siya sa mga binti ko. "Tell me what you're thinking, Ye.." Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata. Umiling lang siya. I can see worry in her eyes. Kahit hindi niya sabihin sakin, nararamdaman kong nag aalala siya about something.
"Alam kong may iniisip ka. What is it?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ang noo niya. "Simula ngayon, wala na tayong itatago pa sa isa't isa, okay? Sasabihin natin lahat sa isa't isa. No secrets."
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fiksi Penggemar"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...