Ara's POV
"Happy 3rd, Love..."
Napatulala si Mika sakin. At halata sa mukha niya ang pagaakalang nakalimutan ko ang araw na to. Busy lang ako pero hindi ko naman kinakalimutan ang responsibilities ko bilang asawa niya. Yes, asawa niya. That's how I consider myself. That's how I consider her too.
"Vic..."
"Akala mo nakalimutan ko noh?" nilapitan ko na siya at ipinatong ang dala kong tray sa kama. Kinuha ko ang cupcake at itinapat yun sa kanya. "Blow it..."
She blew tha candles, took the cupcake from me, and had a bite. "Sarap!" Tumayo siya at niyakap ako. "I love you.. Happy 3rd, baby!"
Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at ginihit ako para umupo na rin sa kama. "Kain tayo? Mukhang masarap tong luto mo ah?"
Kumuha na ako ng steak at agad na isunubo yun. Nakatingin lang sakin si Mika at halatang tense na tense. Napansin kong kakaiba ang lasa ng niluto niya... Masarap. I mean, sobrang sarap!
"So?"
"Hmmmn..."
"Fail ba?" malungkot niyang tanong.
Gusto ko sana siyang pagtripan kaso ngayon pa lang ako nakabawi sa kanya, kaya next time na. "Nasabi ko na ba sayo na kailangan namin ng bagong menu sa grill ngayon?"
Bigla namang kumislap ang mata niya. "Talaga?"
"Yup." Lumipat ako sa tabi niya at binack hug ko siya. "Ang sarap ng luto mo! Kasing sarap mo --- Aray! Hahaha! Nagbibiro lang ako!" hinarap niya ko at finace palm niya ang mukha ko.
"Ang halay mo talaga!"
"Hahaha! Nagbibiro lang ako... Teka, kain ka na din." sinubuan ko siya. Pati siya mismo hindi makapaniwalang ganun kasarap ang luto niya.
Bumalik na ko sa kinakaupuan ko sa harap niya. Kumain lang kami ng tahimik, pareho naming ninanamnam ang sarap ng luto niya. Hindi ko inexpect na may hidden talent pala tong asawa ko sa pagluluto.
Pagkatapos naming kumain ay dinala ko na ulit sa kitchen at niligpit na ang mga pinagkainan namin. Dito na lang din ako nagtoothbrush sa labas. Pagpasok ko naman sa kwarto ay naabutan kong nagbabasa si Mika ng libro.
Tumabi na ako sa kanya at yumakap. "Ano yan?"
"An old English Classic by Tom Fergus." sabi niya bago sinara ang libro at nilagay na sa side table saka yumakap din sakin.
"Wow! Naka toothbrush na din ang love ko.." sabi ko sa kanya saka pinuno ko siya ng halik sa pisngi.
"Baby! Hahaha! Tama na!"
"Hindi pa ko tapos, love!" tadtad ko ulit ng halik sa kanya.
"Baby naman eh..."
Tumigil na ko at napatitig sa kanya. Ang ganda ganda niya. Hindi nakakasawa. Kung hindi lang ako nagtatrabaho para sa future namin at kung hindi lang siya nagvo-volleyball, siguro kaya kong gawin to buong araw. Kaya kong makipagtitigan sa kanya buong araw.
"I love you.." I whispered on her lips bago ko siya tuluyang hinalikan. I kissed her gently, she's so fragile at this point. Na para bang anytime pwede siyang mabasag at nasa mga kamay ko ang huling desisyon kung babasagin ko siya. Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko.
"Hey, bat ka umiiyak?" pahid ni Mika sa mga luha ko.
Umunan ako sa kamay niya at isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.
"Vic, why are you crying?" hagod niya sa likod ko.
"I'm sorry Ye. Sorry kung nawalan ako ng oras para sa'yo. Sorry kung masyado kong sinubsob ang sarili ko sa trabaho. I'm sorry kung na feel mong mag-isa ka. I'm sorry kung na feel mong hindi ikaw ang priority ko..."
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...