Chapter 35

7.4K 158 21
                                    

Months later...

.

.

.

Kim's POV

.

.

Papunta ako ngayon sa grill ni Ara para doon maglunch. Ilang linggo ko na din kasi silang hindi nakikita. Masyado na talaga kasing busy lahat. Ako, sa puspusang training pa rin sa RP team, si Mela sa trabaho niya, si Camille as usual sa PretTEA lalo na't malapit na mag open ang isa niya pang branch. Si Cienne naman, ayun, office girl ang dating sa foundation namin, siya kasi ang hands on talaga. Si Gayle ganun din sa clinic niya.

Wala namang gaanong tao dito sa grill pagdating ko, weekday kasi at medyo umuulan pa. Agad kong hinanap si Ara sa crew niya.

"Nasa office po sila ni Maam Sophie," sabi nito sakin kaya agad na kong pumunta sa office nila.

Nasa labas pa lang ako rinig na rinig ko na ang ingay nila. Nagtatawanan at nagkukulitan ata. Pagbukas ko ng pinto ay pareho silang natigilan. Nakaupo si Sophie sa stool sa harap ng swivel chair na kinauupuan ni Ara. Nakahawak si Sophie sa mga kamay ni Ara na nasa bewang niya. At pareho silang gulat na gulat na nandito ako.

"Hi." bati ko saka pumasok na. "Ang sweet niyo naman,"

Ni-slide naman ni Ara ang chair niya pabalik sa desk niya at si Sophie naman bumalik na sa pagtatype sa desktop niya.

"Kulit kasi niyang si Ara. Kita namang may ginagawa ako dito eh," nakatawang sabi ni Sophie saka iniwan ang ginagawa niya at umupo sa couch na kaharap ng kinauupuan ko. "Dito ka maglalunch?"

"Oo. Kayo? Kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Sakto, nagpaluto na kami, sabay ka na lang samin." sabat naman ni Ara na lumapit ng upo sa tabi ko.

"Kamusta?" tanong ko ulit.

"Okay naman. Heto, di makaalis dito kasi nga umuulan." si Ara na ang sumagot.

Tumango lang ako.

"Tara, dun tayo sa labas mag usap." tumayo na si Sophie kaya sumunod na din kami ni Ara sa kanya palabas.

Nagpaiwan pa siya counter para i-check ang lunch namin, kami naman ni Ara umakyat na sa taas kung saan sarado pa ang buong 2nd floor. Kami lang ang tao dito pag akyat at hindi pa nga naseset up ang tables liban na lang yung mga nandito sa bandang balcony.

"Yosi na naman," sita ko kay Ara. Ang alam ko kasi tumigil na to eh.

"1st stick ko pa lang to noh, hinahanap hanap pa din kasi minsan," sagot niya saka nagsindi.

"Huy kayo ni Sophie ha, mukhang nagkakamabutihan na." alam ko namang hindi, di ko lang maiwasan na asarin siya. Malay ko naman kasi noh. Wala na kong balita masyado eh.

At ang loko pinagtawanan lang ako. "Dami mong alam, ate Kim,"

"Aba, ang sweet niyo kaya. At lagi na naman kayong magkasama.." kumuha na din ako ng yosi mula sa case niya at nagsindi. Kesa naman maging 2nd hand smoker ako dito.

"Sweet naman talaga siya ah?"

"Sakin kaya hindi sweet yon," natatawa kong sabi.

"Wag kang mag-alala, sabihan ko na maging sweet din sayo. Secret lang natin kay Mela." kinindatan pa ko bago tumawa na naman ng malakas.

"Heh!" nasinghalan ko tuloy at mahinang sinuntok sa braso niya. "Wag mo na kong idamay sa kagaguhan mo na naman ah."

Di pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Magtatanong pa sana ako ulit kaso nakita ko ng paakyat si Sophie kasunod ang mga pagkain namin.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon